O eto na yung iniintay niyo na resulta ng pasabook, as usual post muna ng list ng mga sumali at ang pambobola na ginawa ni random.org.
Twenty eight na bloggers po ang nauto kong sumali sa pakulo kong ito at
siyempre sa huli ay isa lang ang mananalo. Natutuwa ako sa nanalo kasi for sure hindi lang isa ang makakabasa nito kundi TATLO pa. Iba talaga ang PAMILYA. hahahaha
Sabi ng matatandang bulaan, bawal daw magpapiktyur ng tatluhan o basta odd ang number ng pipiktyuran. Pero sa kasong ito mukhang yung nasa gitna pa ang sinuwerte. Bakit kanyo? Sige tignan ang larawan ng resulta sa ibaba.
Congrats Essy! Sana maenjoy niyo nila Salbe at Emon ang librong ito. :) Send mo na lang dito: hartlesschiq@gmail.com yung mailing address mo.
O wag nang malungkot kung hindi ikaw nabunot kasi may next month pa naman. Si Miguel Syjuco (salamat sa correction ser L) nga pala ang may akda ng sunod kong ibibigay. Kung interesado ka sa kanya este sa libro pala niya e abangan na lang yung susunod kong post para sa pasabook 6. Salamat sa inyo at sana mas ganahan pa kayong magbasa ng libro. :)
Pagkagaling ko sa banyo ay diretso agad ako sa kwarto.
Andyan ka pala. Kanina ka pa ba? Pasensiya na hindi agad
kita napansin kasi naman excited na ko sa pagdating ni husby. Biruin mo naman
ilang linggo na siyang hindi umuuwi. Kaya ayun masyado akong naging abala sa
paghahanda ng pagkain para sa kanya.
Nagulat ka ba? Oo nagluluto kaya ako, tinuruan ako ni ina
noon. Natigil lang kasi nung makilala ko si husby, ayaw niya kong masyadong
napapagod kaya sa labas na kami lagi kumakain. Nakuuu siguradong magugulat yun
pag nakita niya ang inihanda ko para sa kanya. Sa sobrang sarap makakarating
siya sa langit.
Teka lang tulungan mo nga ako. Ano bang isusuot ko dito?
Itong pula o itong isa?? Hmmm e kung wala na lang kaya?? Hahahaha Biruin mo
masarap na luto tapos yummy na wifey pa. I’m sure hindi na siya aalis. Parang
yung mga dating customer namin ni ina. Hindi na nakaalis sa sobrang sarap nung
hinanda naming nung piyesta ng bayan.
O natahimik ka naman diyan, iabot mo nga yang lotion diyan
sa may cabinet. Bakit ganyan ka makatitig? Para
namang lalamunin mo ako. Dalian
mo at mamaya andito na ang pinakamamahal kong asawa. Huiii anu ba? Sus ako na
nga… Naiisip mo na naman si ina ano? Huwag kang mag-alala di ba nagkita naman
kayo kahapon. Ok naman siya di ba? Masaya pa rin katulad ng dati. At tsaka nga
pala….
Wait, nagtext si husby malapit na daw siya, kailangan ko
nang dalian ang
pagpapaganda, kailangan kong maghanda. Teka ikaw ba? Anong partisipasyon mo?
Tatahimik ka na naman katulad nung dati? KJ mo talaga. Wala ka namang kasalanan
dun. Pinaglingkuran naman natin sila noon, pero naniwala na lang sila agad sa
sabi –sabi. Iniwan na lang tayo ng basta basta. Samantalang noong wala pa
tayong karibal halos dumugin nila ang atin karinderya.
Huwag mo nang takpan yang tenga mo kasi alam mo naman yung
sasabihin ko eh. Paulit ulit lang ako katulad ng paulit-ulit na pagngiti ko sa
mga painasisilbihan ko na lamesa noon. Bawat ulam na inilalapag ko, wala pang ilang
minuto ubos na agad. Yung iba tumatake two pa. Tapos ano, nung magsimula yung
tsismis na may gamot daw na inilalagay si ina para bumalik ang mga tao tapos
dinadagdagan pa na botcha daw yung ginamagamit na karne, ayun nag alisan sila.
Nalugi ang karinderya, nawala lahat ng inimpok natin dahil sa nadepress si ina
at natigil pa tayo sa pag-aaral.
Kung hindi ko pa makikilala si husby matapos nating umalis
sa baryo, malamang wala tayong alam ngayon. Siguro kinakawawa pa rin tayo ng
mga kapitbahay natin noon. Tumatak kasi sa isip nila yung bintang kay ina. Mula
sa kanya, napasa sa atin ang sisi, ang pangungutya. Buti na lang talaga
nabigyan din si ina na nang pagkakataon para makapagluto noon sa piyesta ano?
Tignan mo naman hindi ba speechless sila sa sarap.
Anong ayaw mo? Hindi pwede, nakapagsabi na ako kay ina,
naipagpaalam ko na ito. Paliligayahin ko lang naman si husby eh para hindi na
siya humanap ng iba. Sabi niya kasi matanda na daw ako. Wala nang asim. Siya
naman lahat sumimsim nito ah. Walang ibang nakatikim kundi siya lang. Bakit
ngayon, iiwan niya ko para sa mas bata, para sa isang babae na naiinggit lang
sa pagmamamahalan naming dalawa.
Ano pipigilan mo ko? Nagpapatawa ka ba? Paano? Nakakulong ka
lang naman diyan. Katulad ka rin ng
dati, noong nilagyan ni ina nang lason yung mga pagkain hinanda niya noong
piyesta. Wala ka ring nagawa. Hinayaan mo silang kainin yung pagkain. Oo
nasarapan sila pero anong kapalit? Kamatayan. Oo yun ang nararapat sa kanila,
mga taksil at walang awa kay ina. Matapos silang pagsilbihan, iiwan lang. Katulad
ko, anong ginawa sakin ng butihin kong asawa? Matapos pagsawaan naghanap ng
iba, yung bago yung akala niya eh mas masarap sa’kin.
Saglit wag kang maingay. Andiyan na siya. Naririnig ko na
ang pagbubukas niya ng gate. Huwag na huwag kang mag-iingay ha kundi babasagin
kita. Hinding hindi mo na ko makikita.
Amuyin mo nga. Mabango
na ba ako?? Ayos na ba ang itsura ko?
Umikot-ikot muna ako bago ko tuluyan buksan ang pinto kwarto
palabas. Pero bago ko tuluyan isara ang pinto ay tinitigan ko muna ang aking
anyo sa salamin.
Sige diyan ka na, ikukuwento ko na lang mamaya sa’yo ang
mangyayari. Kapag tapos na kaming magdinner. Siguradong hindi niya makakalimutan ang luto
ko. Dadalhin ko sa langit si husby.
Medyo nalate na ang pasabook na ito dahil naging busy ako sa maraming bagay like........ like..... like....basta naging busy ako! Ayun, naging busy pala ako sa weekly QB (Quiz Bee) na ginaganap sa bahay ni j.kulisap. Kung gusto niyo nga pala sumali, tamambay lang kayo sa kanyang chatroll every Tuesday. 3pm po ang start ng quizbee pero dahil sa limited slots lang ang available, paunahan na lang po makapasok para makasali. Aantayin ko po kayo dun ha!
So ayun na nga, katulad nang nabanggit ko dun sa nakaraang pasabook, isang akda na naman ni Paulo Coelho ang aking ibibigay at ito yun:
Huwag niyo nga pala kalimutang basahin ang mga sumusunod:
1. Open po ito sa lahat ng Pinoy bloggers, PERO
sa mga nasa ibang bansa na sasali, pipili lang po kayo ng kamag-anak o
kaibigan na papadalhan ko nito dito sa Pilipinas.
2. Para makasali, mag-iwan lang po ng comment
dito sa post. Kahit anong comment, pasok ka na!
3. One entry per blogger lang po. Huwag nang
maging pasaway ha :D Pagagalitan kayo ni random.org niyan :P
4. Para sa resulta, bumalik na lang po dito
sa Friday (July 29, 2011) at kung ikaw ang nanalo paki-email na lang
po (hartlesschiq@gmail.com) ang inyong mailing address.
May nahalata ba kayo? Kung meron eh sarilinin niyo na lang. hahaha oo ako na ang tamad talaga.Start na kayong magcomment jan, wag nang mahiya.Goodluck!
Kanina lang eh nagtanghalian kami ni BFF. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at nagtanong tungkol sa isang girl group:
BFF: Madz sino nga yung Vanna Vanna?
Ako: Ah yung kumanta nung sa rejoice dati yung ano...
"ang sarap ang sarap ng feeling
ang gaan ...."
(Tawanan)
BFF: Ang gaan ang gaan ng feeling! sarap sarap ka jan! (Tumawa ulit siya ng bongga)
So ayun, medyo napahiya na ko dun ha kasi with matching kanta pa ko, feel na feel ng mahaba kong hair. Akala ko matatapos na dun ang kapalpakan ko. Ba't pa kasi nagsalita pa ko.
Ako: Yung isa dun yun kasama sa grupo nung ano...yung kay Richard Poon din dati... yung NO U TURN!
Syet lang kasi hagalpak na naman siya katatatawa at nakisabay na rin ako dahil U TURN nga lang pala yung name ng grupo.
Hayyyyy ano bang iniisip ko today. FAIL talaga itew!
PAHABOL NA FAIL: Hindi pala Vanna Vanna ang kumanta nung ang gaan ng feeling, DV8 pala. Bwiset yan, napahamak pa ko.
Kapag hindi ko na kayang ipaliwanag sa mga letra ang nabubuo kong ideya, humahanap ako ng paraan upang mailabas ito katulad na lamang nung audiopost ko noong minsan. Ngayon naman ay sumubok na naman ako ng panibago.
Nung magpaulan ang langit ng talent, isa ang pagdodrawing sa mga hindi ko nasalo. Malamang napahimbing ang tulog ko nung mga panahon na yun. Sa tagal ng panahon stick figure lang yata ang namaster ko sa larangang ito at minsan hirapan pa ako na maperfect. LOL
Sa pagkukwento mas lalong mahirap pag iba't ibang eksena, kasi ang daming detalye na dapat iconsider at hindi na yun kakayanin ng powers ko. Kaya naman naisip ko na gamitin na lamang ang isang parte ng ating katawan na masasabi kong nagpapakita rin ng emosyon ng isang tao sa mga komiks o illustration, at yun nga ang ating mga labi.
Hindi ko na ito lalagyan ng dialogue. Kayo na ang bahalang magbigay ng istorya sa mga larawan sa itaas. Sabi nga title: Read my lips na lang. :D
So nanliligaw ka pala talaga nun. Malay ko ba, wala ka namang sinasabi.
Ang gulo niyo talagang mga babae. Pag sinasabi namin, sasabihin niyo gawin na lang. Pero pag ginagawa naman namin, gusto niyo sasabihin. San ba talaga kami lulugar? Haha Babae talaga…
Well for me, I needed confirmation. I was so insecured that time. Alam mo na.. the Piggy thing.
But you were beautiful then… actually until now. Ni hindi ko naramdaman yun sa’yo not until ipilit mo nga sakin si Cindy.
Magaling lang talaga akong magtago. Hahaha
Siguro nga.
So what happened to you and Cindy?
I guess we tried. I gave everything she wanted. I loved her, I guess. Kaya lang naging maluwag ako sa relasyon namin, thinking that yun yung gusto niya. Mali pala ako.Akala niya i didn't care for her kaya hindi ko siya nirerendahan. We stayed that way na hindi yun napapag-usapan. Nakatagal kami ng ilang taon, then she slipped away. Nagsawa siya sa akin. The End.
Ni hindi mo tinry makipagbalikan?
Nagising na rin kasi ako eh.
Nagising saan?
Na niloloko ko lang yung sarili ko pag nakipagbalikan pa ako sa kanya. Kasi it was never her that I wanted in the first place. It was always you. Kaya lang nasaktan ako nung ipilit mo ako sa kanya. So I gave in. Parang parusa ko sa’yo. Ang yabang no? Ayun ako pala mapaparusahan sa huli.
Katahimikan. Kasabay nito ay dumating na ang aming inorder. Tahimik kaming kumain na tila nagpapakiramdaman kung sino ang unang iimik. Sa wakas ay nagsalita din si Kaeleb.
So san ka nagpunta? Bigla ka na lang nawala after graduation nung college?
Job offer sa ibang lugar. Ayun tinanggap ko na rin kasi kailangan ko na nun magkawork for my family. You could say it was a blessing in disguise, dami kasing nagbago sakin. In a positive way ha, kasi nakuha ko yung self confidence na wala ako noon. Di na ko yung Jelly piggy na dati mong inaasar. Haha Change of scene lang pala kelangan ko. Ayun, ngayon improving na. It was the best decision that I've ever made. Bumalik lang ako ngayon kasi naglambing si nanay. Tagal ko na rin kasing nawala.
Parang hindi ka naman nagbago eh. Ikaw pa rin yan.
Is that a compliment or nang-aasar ka na naman?
What do you think?
Coming from you, parang hindi ko alam kung anong pipiliin ko. Dalawa lagi ang anyo mo sa’kin eh. Isang nang-aasar at yung isa… Oh never mind.
Akala mo lang iba pero pareho lang yun…. Pareho kang mahal nun.
Hahaha Kelan ka pa natutong bumanat ng ganyan? Sabagay, mga bata pa tayo nun. Marami adjustments and insecurities na hinarap at nalagpasan. Those were the days.
Yah. Those were the days.
Maya-maya pa ay tumingin na ako sa aking orasan senyales na kailangan ko na ring umalis.
May lakad ka?
Imimeet ko yung kaibigan ko this afternoon eh. Medyo malayo yung meeting place so aagap na rin ako sa biyahe.
Sige sige. Bayaran ko muna ‘to then we’ll go.
Ok sige, wait lang c.r. lang ako.
Naglalakad na kami sa labas nang mapansin ko yung dala niya.
Pasalubong?
Yup.
Para kanino?
Someone special. Do I know her?
Yup.
Hala may bago na pala, bakit hindi mo sinabi na may nag-aantay na pala sa'yo, ang tagal pa naman natin kumain. Ikamusta mo na lang ako sa kanya. O siya paano, tataxi na ko ha. Mahirap nang malate.Nice seeing you again Kaeleb.Thanks for the lunch!
Aktong bubuksan ko na yung pinto ng taxi ng bigla niya akong hinawakan sa kamay.
Jelly, para sa’yo nga pala. Nakita ko lang dun sa resto, I'm sure magugustuhan mo yan. Ingat ka ha. I’ll be seeing you again. Right??
Napatingin na lang ako sa kanya. Nakita ko na naman yung nakakunot at parang naguguluhan na mukha. Nginitian ko na lang ulit siya. Katulad nung ngiti ko nung mga bata pa kami. Nung malaman kong mahal niya pala ako. At bago pa ako tuluyan sumukay sa taxi ay nasabi ko na lang sa kanya:
See you tomorrow Kaeleb. Don’t worry hindi ka tatagain ng tatay ko. :D
Oo narinig ko kaya yung mga sinabi mo. Hindi lang ako gumising agad.
Katahimikan.
Teka hindi pa tayo umoorder, ano bang gusto mo? Sumenyas siya sa isang waitress.
Sea food marinara na lang sakin tsaka iced tea.
Makatapos umorder ay nanahimik na muli si Kaeleb.
Wag kang mag-alala, matagal na naman yun. Mga bata ….
Kung alam mo na pala dati, bakit hindi mo ko sinagot nung niligawan na kita nung highschool na tayo?
***
Jelly!!
O Cindy himala, anung atin?
Ang gwapo talaga nung kababata mo. Ano ngang pangalan nun?
Si Kaeleb. Sus kaya pala lumapit.
Kaeleb ba pangalan nun? E sino yung KM?
Pareho lang, Kaeleb Misra kaya KM. Mukhang alam ko na patutunguhan nito.
Ahhhh. Gwapo niya talaga. Gusto ko na siya Jelly. Ipakilala mo naman ako. Di ba sumasabay sa’yo yun pauwi sa inyo? Teka nanliligaw ba yun? Sa’yo?
Napapansin na rin pala nila yung pagsabay sakin ni KM. Mga ilang linggo na rin kasi yun extra pa yung mga pagkain na inaalok niya. Nanliligaw??? Imposible naman yata.
Ah yun ba. Naku bumabawi lang yun paano kasi nung mga bata kami palagi akong inaasar nun. Baka nakonsensiya.
Baka nga. Tsaka I think iba ang type niya. Bagay kami talaga. No offense meant ha Jelly.
Sus ok lang yun. Alam ko naman. Ilakad na lang kita, sakto pauwi na ko. Sasabay yun sigurado.
TALAGA??? Wow ang bait mo talaga Jelly. Sige ha ikaw na ang bahala.. I’ll see you tomorrow. Thanks talaga friend.
Katulad nga ng dati, sumabay si Kaeleb pauwi.
Jelly, gusto mo? Pinagbentahan kasi ako ng kaklase ko hindi ko naman matanggihan.
Ano yan?
Kwintas. Sa’yo na lang.
Ha? Ammm… tinatanong ka nga pala ni Cindy sa’kin.
O bakit daw?
Type ka yata.
Gusto mo ba?
Nung kwintas? Sa kanya mo na lang ibigay yan. Mas bagay yan sa kanya. Bagay pa kayo nun.
OK. Sige sa kanya na lang… Ayaw mo naman pala. Naku nalimutan ko may meeting pala kami sa org. Hindi na kita masasabayan. Ingat ka na lang Jelly.
Ok sige ikaw rin.
Tatawagin ko sana siya dahil feeling ko naooffend ko siya or something pero pinigilan ko na lang yung sarili ko. Ayokong mag-assume baka mamaya mali naman ako.
Jelly!
Paglingon ko ay tumatakbo siya papalapit sa akin. Hinawakan niya yung kamay ko at inilagay sa aking mga palad yung kwintas na inaalok niya kanina.
Sa’yo na lang yan. Remembrance. Akala ko iba ka na. Si Jelly Piggy ka pa rin pala.
Matapos ang eksenang yun, hindi na sumasabay si KM. Pero nagkikita ko pa rin siya kasi nga ako yung naging tulay nilang dalawa. Taga-abot ng ganito, taga-set up ng venue. Mga ganung bagay. Minsan nalilito din ako kung bakit ko yun ginagawa. Para ba mapasaya si Cindy o yung sarili ko.
Mga ilang buwan ang makalipas ay naging sila rin. Ayun nawala na ako sa eksena. Silang dalawa na lang ang natira.
Nakakunot ang kanyang noo nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya.
O bakit mo naman ako tinitignan ng ganyan. Para namang ako ang gusto mong iulam niyan ah
Haha grabe ka naman Kaeleb. Nagcocompare lang ako kung anu bang nabago sa pagmumukha mo.
So, ano meron ba?
Wala naman, ganun ka pa rin lalo na yung mukha mo kanina yung parang nalilito na ewan.
Bakit kelan mo naman nakita yun sa akin? Wala yata akong matandaan?
Matagal na kasi yun kaya siguro hindi mo na naalala. Tanda mo ba nung muntik na akong mabangga nung nagpapatintero tayo?
***
Sa sobrang bilis nang mga pangyayari nawalan ako ng malay. Nagising na lang ako na parang umuuga ang paligid. Pagmulat ko, nagulat ako na makita ang mukha ni KM. Buhat-buhat niya pala ako tapos meron pa siyang inuusal na hindi ko maintindihan. Muli kong pinikit ang aking mga mata at pinakinggan ang kanyang litanya.
“Ang bigat-bigat mo Jelly, bakit ba kasi nahimatay ka pa. Hindi ka naman nasagasaan, nag-iinarte ka pa ngayon. Anong sasabihin ko sa tatay mo, baka habulin ako ng taga nun. Gumising ka na diyan, baka ako naman ang mahimatay sa kabigatan mo.”
Ang sama talaga ng ugali nitong si KM. Binuhat nga ako pero may kasama namang pula. Buti ba kung kami lang ang tao eh kasabay naming yung mga kalaro namin. Tinatawanan nila si KM sa itsura nito. Kahit ako man gusto ko matawa kasi alam ko naman kung gaano siya nahihirapan sa sitwasyon namin, ang payatot kaya nito. Buti nga sa’yo, hindi muna ko gigising para mahirapan ka.
“Pano yan KM, dito na lang kami. Baka malagot pa kami kay mang toto.”
“Ang duduwag niyo naman parang si mang toto lang. Sige na tsupi na kayo, ako na bahala dito sa piggy na ‘to.”
Tatawa-tawa pa ang mga kalaro namin habang papalayo. Gugulatin ko sana si KM para gumanti ngunit ako pa ang nagulat sa kanyang mga sinabi.
“Sana Jelly ganito na lang palagi. Yung bubuhatin kita pauwi sa inyo pero sana yung gising ka. Haaay anu ba namang buhay ‘to, kung bakit ako pinanganak na tsope. Pasensiya ka na Jelly kung palagi kitang inaasar, nagpapapansin lang naman ako sa’yo. Hayaan mo sa 4th year natin o kaya college liligawan na kita. Pangako yun. Mahal na yata kita eh. Gumising ka na Jelly, nag-aalala na kasi ako sa’yo.”
Pigil na pigil ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. Sa pagkakataong yun parang ako na yata ang pinakamagaang tao sa buong mundo. Hindi ko akalain na may gusto pala sa akin si KM. Akala ko ako lang talaga ang gustong gusto niyang asarin. Ganun pala yun. Pag inaasar, mahal pala.
Gusto ko pa sanang magpabuhat sa kanya hanggang sa bahay pero nag-aalala ako na baka kung anong gawin sa kanya ni tatay. Para hindi siya mapahiya, gumalaw ako ng konti para kunwari kagigising ko lang.
“Hay salamat gising na rin ang piggy.” Bigla akong ibinaba ni KM sabay sabing:
“O pano ba yan gising ka na, kaya mo na sigurong mag-isa. Umuwi ka na sa inyo, siguradong yari ka na niyan sa tatay mo.”
Nginitian ko lang siya.
“A…anong nginingiti-ngiti mo jan?” Nakakaloko ka ba? Palibhasa hindi siya yung nabigatan. Hala, uwi na babsy. Uwi na rin ako sa amin.” Sabay talikod niya sa akin.
Bago pa siya makalayo ay tinawag ko siyang muli at nginitian ng pagkatamis-tamis. Bakas sa mukha niya ang pagkalito at iwinasiwas na lamang ang kamay sabay kamot sa ulo habang naglalakad pauwi sa kanila.
***
A, yun ba? Eh pano naman kasi ngiting ngiti ka sa akin nun. Hindi ko alam kung nang-aasar ka ba o ano. Ang layo kaya ng pinagbuhatan ko sa’yo. Pang guiness yata yung ginawa ko.
Sus., paanong hindi ako mangingiti eh naririnig kita.