Pages

Wednesday, December 29, 2010

About Me

Pang 100th post ko sana 'to, kaya lang tinatamad na ko gumawa ng siyam pang kung ano-ano at isa pa parang gusto kong may maisulat hmmm siguro pasok na 'to sa year-ender post :)

1. Lagi akong natutulog sa gilid ng bed, kahit anong posisyon basta sa gilid lang palagi. Kapag naman may katabi ayoko nang nakaharap sa kanya, as in hindi ako makakatulog.

2. Nagsleepwalk na daw ako, yun eh sabi lang ng mga pinsan ko.

3. Dati mahilig ako sa kape (hot & cold/iced), tapos bigla ko na lang inayawan hindi ko rin alam kung bakit parang trip lang.

4. Hindi ako marunong magswimming, pero gusto kong magbabad sa tubig.

5. Natuto akong magbike mag-isa kasi nahihiya akong sumemplang. :))

6. Natanggal yung kuko ko sa thumb minsang umangkas ako sa side car (ouch)

7. Naglalaro ako sa playground sa barangay nung malalaglag ako sa baras at nagkaroon ng poknat. Pero bago ako umuwi sa bahay para ipagamot, bumili muna ako ng tubo (sugarcane) kay manong (minsan lang kasi dumaan yun, sayang ang moment).

8. Madalas akong madapa, madulas, mauntog...in short accident prone.

9. Mas gusto kong kumain ng pasta kesa sa kanin.

10. Paborito kong ulam ang tuyo, kalabasa (kahit anong luto), munggo, chicken adobo at yung isdang kulay orange pag pinrito (letter B ang start ng pangalan nitong fish na 'to).

11. Kumakain din ako ng mga ulam na may gata, pero yung sabaw lang.

12. Ngayon lang ako nakapgpahaba ng buhok, dati lagi gupit lalake (feeling ko naman walang pinag-iba).

13. Kung ano yung iniisip niyo kapag nakikita niyo ang title ng blog ko, ay yun na nga yun. LOL  

14. Madalas sad ang ending ng kwento ko dahil nahihirapan akong idescribe kung ano yung feeling ng happy ending. Isa pa, sa'kin kasi wala namang happy ending, dahil nagpapatuloy yung masarap na pakiramdam. bow!

15. Maaga akong kumiri, at the age of 9, may kaloveteam na ako na namumula kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa'kin.

16. Mas gusto ko ang magbake kesa magluto.

17. Sobrang makakalimutin ako, kahit nga sa pangalan mahina rin ako, kaya naman kapag nakakita ako ng kakilala at hindi ko matandaan ang pangalan, dinadaan ko na lang sa "ate o kuya".

18. Before meron akong sumpa sa relationship, lagi na lang hindi umaabot ng 1st monthsary. Ngayon, dalawa na yung nakabreak at pareho na rin silang wala sa buhay ko. LOL

19. Ma-effort ako sa relationship, as in walang imposible at all out. 

20. Lagi kong inaamoy yung pagkain bago ko kainin.

21. Nagtry akong mag-smoke. Phillip Morris ata yun at sa harap pa ng tita ko, pero hindi ko talaga siya nagustuhan.

22. ONE TIME (i-emphasize ba), nagising na lang ako at nagtaka kung paano ako nakaakyat at nakatulog sa kwarto ko.Sobrang kalasingan.

23. Sabi nila, malakas daw akong uminom ng alak.Parang di naman, slight lang.

24. Kapag may videoke, asahan mong hindi mawawala sa pondohan ko ang Linger (Cranberries), Stay (Lisa Loeb) ,Bizarre Love Triangle (Frente), Till they Take my Heart Away (Claire Marlow) at OO (Up Dharma Down).

25. Ngayon lang ako natutong ngumiti sa picture.

26. Madaming nagsasabi na suplada daw ako, pero ang totoo hindi ko lang sila makita kasi malabo ang mata ko.

27. Hindi ako nagpapahaba ng kuko, ang kati kati sa pakiramdam.

28. Hindi rin ako naglolotion, ang lagkit sa pakiramdam.

29. Tama na sa akin ang pulbo at cheek tint. Make- up is a no-no.

30. Muntik na akong ikasal. Kumpleto na ang mga abay at ninang. Ang umayaw hindi kami ni ex, yung nanay niya. 

31. Mataba ako noon..........hanggang ngayon naman :))

32. Puyat o lasing sa tulog, hindi nawawala yung eye bags ko. HELP!

33. Tuwing magsusulat ako ng post sa blog, may isang tao na lagi kong inaantay magcomment. Excited na ko pag nakikita ko na yung location niya sa live traffic feed (kabisado talaga).hihihi

34.Natry ko nang mag-skip read. LOL

35. Single na ulit ako. 


Hahaha yan na lang muna. Wala na akong maisip at alam ko namang hindi rin yan mababasa lahat :)) Nice meeting you! Balik ka ulit :)

Tuesday, December 21, 2010

FB Stat (3)

                    Ayoko nang mag-isa...


           Pwede bang maging tayong dalawa? :D

Monday, December 20, 2010

Alaala ng isang feelinggerang Geisha :))

Dumating ang memo sa opisina tungkol sa Christmas party at nakasaad dun na ang theme namin this year ay Oriental. Naexcite naman ako ng slight sa memong ito at gusto ko biglang sumali. Nadagdagan pa ang excitement ko ng mabasa sa bandang baba ng memo na ang mapipiling best in costume ay mananalo ng tumataginting na 10k at sampung consolation prize na tig-2k. Sino ba naman ang hindi gaganahan dito? Kaya naman 2 weeks before ng aming party ay nagsearch na agad ako sa net ng mahihiraman. At hindi naman ako nabigo sa paghahanap, may nakita ako at malapit lang din sa place namin yung location. Kaya naman nang maconfirm ko na kung papaano makapunta dun ay ibinalita ko na agad ito kay opismate.

(12-02-2010 )
Madz: Gusto kong magcostume.
Opismate: Magrerent ka?
Madz: Oo. May nakita na ako.
Opismate: Sige sige suportahan kita.

(12-04-2010)
Nagpasama ako kay opismate dun sa bahay ng rerentahan. Medyo magastos sa pamasahe ha.
Madz: Eto o ang ganda!
Opismate: Oo nga Madz, ang ganda nga!
Madz: Balik na lang ulit ako dito pag rerent ko na *grin*


(12-08-2010)
Madz: Parang tinatamad na ko magcostume.
Opismate: O bakit naman?
Madz: Ang mahal kasi eh. Isang gamitan lang naman.
Opismate: Malay mo manalo ka. Sayang din yun Madz, pambawi sa pinang rent mo.
Madz: Bahala na si Batman.

(12-09-2010)
Madz: Excited na ko!
Opismate: Saan?
Madz: Dun sa costume.
Opismate: O e akala ko ba hindi ka na magrerent?
Madz: E minsan lang naman yun di ba? Para maiba naman Christmas party ko this year.
Opismate: Sige sige ako din excited na!

(12-10-2010)
Opismate: Kelan mo kukunin yung costume?
Madz: Hindi ko alam, bahala na pag natripan ko pang irent.
Opismate: Ganun? Sayang Madzzzzzzzzz

(12-14-2010)
Madz: Hui make-up mo ko ha!
Opismate: Make-up para saan?
Madz: Na-rent ko na yung costume nung Sabado *wink*

Kaya naman kinabukasan ay hanggang ulo ang ngiti ko hahaha dahil bukod sa United Nations ay first time kong umattend ng party na nakacostume. After ilang days ng pabago-bago ng isip ay natupad din ang pangarap kong maging geisha…hahahah Nga pala foundation at lipstick lang ang make-up ko niyan (medyo kailangan na nga ng retouch), nakalimutan kasing dalhin o inenok ni opismate ang make-up ng ate niya..LOL 


                     Back view (Si opismate ang may pakana nito)

                          Front View (Medyo nahihiya pa ko niyan :D )

                            Kung makangiti kala mo panalo :))



Pagkatapos ng event na ito, nakuha ko pang mag-bus at maglakad sa kahabaan ng Cubao nang hindi nagpapalit (talagang sinusulit ang pinangrenta LOL).Pag-uwi ko sa bahay, nangako ako sa sarili kong hindi ko na muling papangaraping maging isang geisha. #$%^&! kasi eh, di ako nakakain ng maayos, ang higpit kaya sa tiyan nung OBI belt. :))



Saturday, December 18, 2010

Tenk Yow So Mats!

Woot woot! Tunay na 'to!


Ngayon ko lang naramdaman na totoo na pala ‘to. Kailangan ko pang kurutin ang aking sarili ng ilang beses para marealize na, this is it! Aakyat na ako ng stage para tumanggap ng award at take note nakagown pa! Parang nung minsan lang kasi pinag iisipan ko pa kung sasali ako sa dito. 48yrs din in the making ang entry kong ito, natambak sa drafts folder at muntik pang amagin. Buti na lang maraming to the rescue ang emote (Lord thank you po) at sa wakas ay nailathala ang kwento namin ni penpal.

Lord, marami pong salamat sa lahat ng blessings na tinatanggap ko sa araw-araw katulad po ng award na ito at ang mga tao na ipinapadala Ninyo para maging part ng life ko. Very much appreciated ko po ang lahat.

Sa mga tao sa likod ng PEBA, maraming salamat po at binigyan niyo kami ng pagkakataon na makapagbahagi ng mga saloobin at kwento na nagbibigay ng inspirasyon at patuloy na nagbubuklod sa mga Pilipino saang mang lugar sa mundo. Saludo po ako sa inyo!

Sa aking mga kaibigan, non-blogger at blogger, na naki-like, naki-comment sa FB at sa  aking blog maraming salamat po sa pagdaan at pagbibigay ng oras para basahin ang aking entry. Sana po ay hindi lang dito natatapos ang pagdaan ninyo sa akin bahay dahil marami pa po akong gustong i-share sa inyo na kung anu-ano kapag tinatamaan ako ng magaling.

Sa aking pamilya, mga tita, pinsan at pamangkin, maraming salamat sa pagbibigay saya sa akin tuwing uuwi ako sa probinsiya. Kayo ang nagsisilbing energy drink at vitamins ko sa araw-araw kapag nandito na ako sa Manila.

Sa taong nagbigay sa akin ng inspirasyon at naniwala na kaya kong gawin ang lahat, salamat. Nandito ka lang palagi sa puso ko at hindi ko makakalimutan ang magagandang bagay na itinuro mo sa akin. Huwag kang mag-alala patuloy akong magsusulat para palagi kang may nababasa kapag nalulungkot ka diyan sa heaven. Ti Amo.

Sa aking kapatid na nagsilbing stage mom ko habang nasa malayo si penpal, maraming salamat sa pagmamahal, sa tiwala at sa suporta na palagi mong binibigay  sa akin mula pa noong nagsimula akong magsulat sa stationery mong mabango. I love you sis.

At sa aking penpal na ngayo’y textmate, phonepal at minsa’y chatmate, maraming pong salamat. Wala po ako ngayon dito kung hindi po dahil sa inyo. Salamat po sa walang sawang pagmamahal at patuloy na pag-unawa sa moody ninyong anak. Alam ko malapit na po tayong magkasama pero sa ngayon po na nandiyan ka at nandito ako hayaan niyo po munang ipaabot ko sa inyo ang aking nararamdaman sa paraan na ating nasimulan.



(kinuha ang pic sa itaas kay AXL, kay paint yung nasa baba :D )


Friday, December 17, 2010

SMP: Sa Muling Pagkikita

"Uuwi ka ba ngayong pasko?"

"Hindi po ako sigurado inay, marami po kasi akong tinatapos na trabaho."

"Ilang taon  ka nang hindi umuuwi, nag-aalala na kami ng itay mo sa'yo"

"Nay, huwag po kayong mag-alala hindi naman po ako nagpapabaya dito.Tumatawag naman po ako palagi at tsaka alam niyo naman po na hindi pa natin tapos bayaran yung bahay natin diyan. "

"Anak ang sa amin lang,hindi naman importante yung pinapadala mo. Mas gusto namin na nakikita ka, para napapanatag kami ng iyong itay."

"Sige nay subukan ko na lang pong umuwi, ibaba ko na po ito tinatawag na po ako ng boss ko."

"Sige anak, lagi mong tatandaan mahal ka namin ng itay mo"

"Opo nay mahal ko din po kayo."

Pagkababa ko ng cellphone ay sumakay na ako ng bus. Nasa terminal na ako nang tumawag ang aking inay.Wala sana talaga akong balak umuwi subalit hindi ko na sila matiis. Hindi ko na kayang magpasko na wala sila sa aking tabi. Matapos kong makahanap ng pwesto sa bus ay pumikit ako saglit. Sinusubukan kong matulog subalit parang hindi ako dalawin ng antok. Napatingin na lamang ako sa bintana sabay haplos sa aking tiyan.

"Henry,buntis ako"

"Mica, sinabi ko naman sa'yo na hindi pa ako handang magkapamilya. Sana nag-ingat ka."

"Anong gusto mong gawin ko? Nandito na Henry, bakit hindi na lang natin ituloy? Nagtatrabaho din naman ako ah. Kayang nating buhayin 'to"

"Hindi mo ba nakikita Mica, unti-unti ko nang natutupad ang pangarap ko, ng pamilya ko. Ngayon pa ba ko titigil dahil diyan sa laman ng tiyan mo? Mas kailangan ako ng mga nandito na sa mundo Mica, ikaw mas kailangan ka rin ng mga magulang mo. Gawin mo ang makakabuti para sa kanila, para sa atin."

"What are you suggesting Henry?"

"It's for our own good Mica. We can start a family, pero hindi ngayon."
 
Kahit matagal na, pakiwari ko'y kanina lamang ang usapang iyon. Masakit. Hindi ko matanggap na hindi ako kayang panindigan ni Henry.  Pinagpipilitan pa rin niyang wag nang ituloy ang aking pagbubuntis at dumating sa punto sa pinapili niya ako.Mahal ko si Henry ngunit mahal ko rin ang aming magiging anak. Hindi ko alam kung makakaya kong buhayin ang aming anak na wala siya. Subalit hindi ko rin naman kayang mabuhay kasama ni Henry at palaging iisipin ang ginawa namin sa aming anak. Naulit pa ang mga pagtatalong iyon at sa bandang huli ay nagdesisyon na nga ko.

Muli kong hinaplos ang umimpis kong tiyan.  Hindi ko na pwedeng bawiin ang aking desisyon, bagamat hindi ko rin naman ito pinagsisisihan. Nahiya akong umuwi at magpakita sa aking mga magulang kaya naman pinili kong magtago ng ilang taon at ayusin ang aking buhay. Minsan, sa aking pag-iisa naiisip ko kung mapapatawad pa kaya niya ako, kung naisip pa kaya niya sa sandaling iyon na mahal ko siya. Yung sandaling pinili ko si Henry.

Nakangiti akong napatingin sa salamin habang pinagmamasdan ang pamilyar na lugar na madalas kong daanan. Para akong bumalik sa pagkabata sa sobrang pangungulila sa aking mga magulang.Sabik na sabik ako sa kanila, gusto kong hilahin ang oras para makarating na ako sa amin at sa wakas ay mayakap ko na ang aking mga magulang. Sana sa pagdating kong iyon ay mapatawad nila ako, lalo na't gusto kong ipakilala ang lalaking pinakamamahal ko. Pinagmasdan ko siyang muli. Mahimbing ang kanyang tulog sa aking tabi. Gusto ko man siyang gisingin para ipakita ang tanawin sa labas, hinayaan ko na lang siya na natutulog. Alam kong pinaghahandaan niya rin ang pagkikita nila ng aking mga magulang. Pumikit na rin ako at sinubukan matulog.

"Diversion na po, lumapit na yung mga bababa"

Nagising ako sa sigaw na iyon ng konduktor. Ginising ko na si Henry at sinabing andito na kami. Mabilis niyang inayos ang kanyang sarili. Pagbaba namin sa bus ay sumakay na kami ng tricycle pauwi sa amin . Madilim sa labas ng bahay, subalit sa tahol ng aso ay biglang bumukas ang ilaw sa harapan. Halatang nagulat si inay, umiiyak siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahipit.

"Anak, akala ko hindi ka darating. Miss na miss ka na namin."

"Inay,miss ko na rin po kayo"

Matagal kaming magkayap ni inay nang biglang may humigit sa aking kamay.

"Inay, may gusto nga po pala akong ipakilala sa inyo."

"Siya ba ang dahilan sa hindi mo pag-uwi ha anak?"  Nakangiting tanong ng aking ina habang nakatingin kay Henry.

"Opo inay, patawarin niyo po ako.Saka ko na po ikukuwento ang nangyari sa akin sa Maynila. Siyanga po pala Inay si Henry po, ang apo niyo." 

"Lola, Merry Christmas po!"

Wednesday, December 15, 2010

Sick Leave

Pansamantala po munang magtatago :D Kita kits next year! Paalam!


 Paano ba ako aattend ng Christmas Party at PEBA nito??waaaaaaa
                                        *sniff*  *sniff*

Thursday, December 9, 2010

FB Stat (2)

Isang lugar lang naman ang gusto kong puntahan, 
 yung wala nang alisan...


        
                                               ...sa PUSO mo :)







wahahaha ang KESO, pati ako nakornihan. Pagpasensiyahan na humahanap lang ng inspirasyon.
(galing nga pala kay papa google ang piktyur)

Tuesday, December 7, 2010

Date with Maui

"Tita, bibili na pala ako ng damit"
"Sige after nating kumain bibili na tayo"

Pag-akyat sa department store, humanap na kami ng damit ng pamangkin ko. Buti na lang isang pilian lang ay nagustuhan niya agad.

Sa loob ng fitting room...


"Tita magkano?"
"4xx"
"Tita may bibilhin pa ko"
"Ano yun?"
"Tita damit pangmayaman"
(Napacartwheel ng 2 beses) "Damit pang mayaman?!?!? San mo nakita?"
"Nadaanan na natin tita kanina, tinuro ko pa nga sa'yo."
"Sige sukat mo muna 'to tapos babalikan natin"


After magfit ng damit, nacurious naman ako sa sinasabi niyang damit. Lakad kami pabalik dun sa nadaanan namin kanina. Maya-maya may kinuha siya sa hanay ng mga damit. 


"Tita eto oh"
(Napatawa naman ako) "A iyan ba? Sige tanong natin kung may size mo"
"Magkano tita"
"4xx"
"Ayun may sukli pa, bibili ako pajamas"

After ulit magfit ng damit, minadali ko na siya kasi dadalaw pa kami sa tita ko sa hospital. Pagdaan naman sa mga infant wear ay may naalala si Maui.


"Tita, wala akong pasalubong kay Charles (kapatid niyang bunso)"
"Ayan oh may take out naman tayo sa KFC"
"E bibilhan ko na lang siya ng damit, pa-11th month gift ko sa kanya. Isoli ko na lang 'tong pajamas ko."
(Tutyal si Maui, parang bawat buwan may gift sa kapatid) "Sige ikaw bahala."

So ayun tumingin kami ng damit. At ang gusto niya din ay "damit pangmayaman" para sa pamangkin kong isa. Hinayaan ko siyang makipag-usap sa sales lady.


"Miss, may iba kayong style"
"Ma'am eto po (may binigay na damit)"
"Meron na niyan si Charles eh"
"Eto po ma'am new arrival po itong mga 'to (tinuro yung iba)"
"Ayoko niyan gusto ko yung may butones sa harap"


Umaandar yung oras kaya naman sumingit na ako sa usapan nila. Nakailang suggest pa kami ng saleslady bago siya makapili ng pinaka-type niyang pasalubong. Binayaran na namin lahat ng binili niya at noong may sukli pang kwarenta pesos nasabi na lang niya:

"Bibili na lang ako ng pencil dito"


Dahil late na at baka hindi na kami papasukin sa ospital, sumakay na lang kami ng tricycle pagdating sa bayan. Habang nasa loob ng tricycle ay nakipagkwentuhan ako kay Maui nang bigla siyang umimik:


"Sayang tita hindi tayo one big happy family"
(Nagulat naman ako sa statement niyang iyon) "O bakit naman?"
"Kasi wala dito sina mama (nanay ko), si lola fe at si tita eli"
"Eh di yung mga nandito na lang, di ba masaya pa rin naman?"
"Hindi pa rin yun, kasi dapat nandito sila. Sabi yun ng teacher ko pag one big happy family daw magkakasama lahat"
(Speechless na ko dun)


Maya-maya...


"Tita kelan lalabas ng ospital si lola?"
"Malapit na yun."
"Eh kelan nga yung malapit na yun?"
(hindi ko rin naman alam kung kelan) "Oh nagtxt na si tita mo, what time ka daw niya susunduin?"
"Ako na lang tetext sa kanya kapag magpapasundo na ko"
"Ok"

Pagdating namin doon ay ibinalita ko sa tita ko na nagshopping galore si maui at pinakita namin sa kanya yung mga damit na pinili niya. Tawang tawa yung tita ko nung pinakita ni maui yung "damit pangmayaman" na sinasabi niya. Tinanong din niya kung kelan si tita makakalabas. Katulad ng sinabi ko, yun din lang ang naitugon ng tito ko "malapit na". Maya-maya dumating na rin ang tita ni Maui at umuwi na rin siya. Siguro after an hour nagpaalam na rin ako sa tita ko para umuwi kasi hindi pa ako nakakapagprepare ng damit pagluwas ko sa Maynila.



****Naisipan kong ipost ang date na ito with my pamangkin dahil sa tagal na hindi ko siya nakita (mga ilang buwan din siguro), napansin ko na malaki na yung pinagbago niya. Dati kasi sobrang spoiled siya at lahat ng magustuhan niya ay gusto niyang makuha or else... Tapos yung conversation namin, kumbaga naglevel up na, mas aware na siya sa mga nangyayari sa paligid and she started to care for others lalo na nung dumating ang kapatid niya. Sobrang tuwa lang siguro ako na I had this special moment with her or maybe dahil din narealize ko na tumatanda na nga talaga ako. LOL Anyways, eto nga pala pics namin at yung sinasabi niya na damit pangmayaman :)




Meet Maui :D




Eto pala yung "damit pangmayaman", isang set pala ng pantulog (at dapat talagang  de-butones ang pang-itaas)















Monday, December 6, 2010

FB Stat (1)

Pagsakay ko ng bus di ako mapakali
Feeling ko may nakalimutan ako
Tapos nung umandar na
Narealize ko may kulang nga.....



IKAW :(

Thursday, December 2, 2010

Hula (2)

"Matulog ka na"
"E ikaw?"
"Hindi pa ako inaantok"
"Ako din hindi pa inaantok"
"Sige na wag nang matigas ang ulo. Kailangan mo nang madaming pahinga"
"Wala naman akong ginagawa dito kundi nakahiga, paano ako napagod?"
"Basta matulog ka na."
"E ikaw?"
"Oo na matutulog na.
"Baka magfacebook ka pa"
"Nakapatay na cp ko. Tara na matulog na tayo"
"Mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal din kita"


Hindi ako natuluyang umalis noong araw na iyon. Naiaabot ko kay Andi ang baso ng tubig at natapos namin na magkatabi ang pagkain namin sa tanghalian. Marami kaming napagkwentuhan at napatunayan kong hindi naman pala likas kay Andi ang pagiging masungit. Palagay ko front niya lang ito para sa mga taong katulad ko na masyadong papansin. 

Kinulang ang lunchbreak na iyon sa aming mga kuwentuhan kaya naman nasundan pa ang mga pagkakataong "aksidente" kaming nagkakasabay sa pagkain. Nariyang may inutos sa akin ang nanay, tatay, kapatid at kung sino pa na kakilala ko na bilhin sa mall. O kaya naman may kailangan akong supplies para sa negosyong sinisimulan ko. Kahit anong dahilan na pwede kong irason para lang hindi mahalata ni Andi na siya naman talaga ang pinupuntahan ko. Nahahalata na rin naman niya siguro, hindi lang siguro makapagsalita dahil alam niya na may kasintahan ako. 

May balak rin naman akong magtapat kay Andi, pero hindi muna sa ngayon. Kailangan ko pa kasing ayusin ang buhay ko. Kailangan ko munang tapusin kung anuman ang dapat ay matagal ko nang naresolba. Alam ko darating din ang araw ng pagtatapat kong iyon. Hindi ko lang inaasahan na mapapaagap ng kaunti.

"Xander kamusta na kayo ng gf mo? Ano, nagparamdam na ba? Umalis na ba yung legal na bf?"

"Ayos naman ako. At yung sagot sa tanong mo parehong hindi. Kumain ka na nga lang diyan, nawawalan ako ng gana sa mga sinasabi mo"

"Sus ang arte ng mama,pakiabot nga ng toyo. Nagtatanong lang naman. Ang tanga tanga mo lang kasi sa palagay ko."

"Tanga ba talaga ako Andi? Dapat na ba talaga akong maghanap ng iba?"

"Ah eh ewan ko sa'yo katawan mo naman yan. Sa akin e opinyon lang.Grabe namiss ko kumain ng isda."

"Sana nga magparamdam na siya kasi kapag hindi pa baka mabaling na sa iba nararamdaman ko."

""Ang malas naman ng mapapagbalingan mo. Magiging panakip butas."

"Hindi siya panakip butas. I like her."

"Baka naman dahil binibigyan ka niya ng atensyon na hinahanap mo sa gf mo kaya mo siya nagustuhan"

"Hindi yun Andi. Alam mo naman na hindi ako basta basta naiinlove. Kaya alam ko na totoo 'to"

"So ayun meron na nga. Kaya pala hindi mo na masyadong pinoproblema gf mo kasi nakahanap ka na nang kapalit. Kayo talagang mga lalaki.. tsk kung sino man 'tong bago, good luck sa kanya."

"Hindi naman ako ganong tao Andi tsaka nagugustuhan ko pa lang siya. Gusto ko pa rin muna na magkaliwanagan kami ni Cyril bago ang lahat."

"Mahal mo pa ba si Cyril?"

"Hindi ko na alam Andi. Parang may iba ng pumapalit dito (sabay turo sa dibdib).Ikaw, kung ikaw nasa lagay ko anong gagawin mo?"

"Seryoso?"

"Oo"

"Kung ako ikaw seryoso ha matagal ko nang hiniwalayan si Cyril. Unang una kabit ako. Pangalawa sa ginawa niyang hindi pagpaparamdam ng ilang buwan nga? dalawa?tatlo? dahil dumating na yung totoong bf niya di ba malinaw na yun na ginagamit ka lang niya? At dun sa nagugustuhan mo? Kung ako ikaw, sisiguraduhin ko muna na totoo nga yung nararamdaman ko para sa kanya. Dahil kawawa naman siya kung panakip butas mo lang."

"Hindi ka magiging panakip butas Andi."

"Pengeng sili Xander kulang sa anghang 'tong sawsawan mo"

"Narinig mo ba sinabi ko?"

"Oo narinig ko. Sige na kain na."

"Mahal na yata kita Andi.Ang ibig kong sabihin, Mahal kita Andi"

.......





.......




......






.......




"Salamat."




**********
Para sa hindi nakabasa, ito po ang simula




Tuesday, November 30, 2010

Hula

"Paano kung hindi ko na kaya?"
"Ano ba naman yang mga sinasabi mo, kaya mo yan ikaw pa"
"Paano nga kung hindi ko kinaya? Wag kang iiyak ha"
"Kahit mangako ako sayo ngayon na hindi ako iiyak, alam ko hindi ko yun mapipigilan"
"Naguguilty kasi ako pag nakikita kitang umiiyak dahil sa'kin"
"Kaya nga magpagaling ka para hindi na ako umiyak"
"Pag gumaling ako, gawin na lang nating tatlo ha"
"Tatlo? Di ba kaya ka nga magpapagaling para mabuo natin yung lima?"
"Demanding mo talaga" 
"E siyempre para masaya. Malaking pamilya. Hindi mo naman ako tatanggihan di ba?"
"Oo na basta ikaw lang ang papakasalan ko. Ikaw ang last love ko."


             Nakilala ko si Andi sa isang internet cafe na madalas kong puntahan. Bago siya doon at dahil at home na at home na ako sa lugar parang mga kabarkada ko na lang ang mga empleyado. Subalit nakakapagtaka na si Andi lang ang hindi ko makasundo. Napakataray niya. Lahat yata ng banat ko sa kanya ay tablado at parang pinaghahandaan niya ang bawat pagkikita. Imbes na maasar ay natuwa pa ako lalo sa kanya. Walang araw na lumipas na hindi ko siya binibisita at inaasar. Tuwang tuwang ako kapag nakikita kong nagungunot na ang kanyang noo at parang bulkan na sasabog anumang oras. Para bang siya ang nagsisilbi kong energy drink. Kahit nalulungkot ako sa sitwasyon namin ng kasintahan ko ng mga panahon iyon, makita ko lang si Andi parang nawawala na lahat ng problema ko.

               Minsan nakasabay ko siyang maglunch. No choice si Andi kundi patabihin ako sa table niya. Nagkataon kasing punuan sa kinakainan namin at dahil kami naman ang magkakilala ako na ang nagprisinta na tabihan siya. Hindi naman siya tumanggi bagamat hindi pa rin niya ako iniimik.

"Andi, may problema ka ba sa akin?"

"Ha? Wala naman, wala lang akong ganang makipag-usap"

"Bakit naman meron ka ba ngayon?"

"Naku Xander kung pati sa pagkain ko eh mangbubuwisit ka, mabuti pang maghanap ka na ng ibang mapupwestuhan."

"Taray mo talaga Andi. Nagpapakasaya lang eh"

"Bakit mukha ba akong clown?"

"E ikaw kasi ang clown ng buhay ko Andi."

"Ah talaga? Ikaw naman ang tinik sa lalamunan ko, alam mo ba yun?!!"

                Medyo napalakas ang imik ni Andi. Pinagtinginan tuloy kami ng mga ibang kumakain. Bigla akong nawalan ng gana at tumayo para magpaalam sa kanya.

"Sige Andi pasensiya ka na kung naabala kita sa pagkain. Mauna na ko."

"Wow apektado? Sige na sige na tapusin mo na yang kinakain mo. Tsaka pakiabutan nga ako ng tubig. Nabilaukan ata ako sa drama mo" patawa-tawang banat ni Andi.

Monday, November 22, 2010

Kasado Na!

Thanks to my Santa for this gift. You really know how to cheer your daughter up. I love you Mama :)
Dy, finally magkikita na rin kami. Thanks for finding him. You really are a gift from heaven. I miss you badly :(





 See you soon Papa :D



Napatunayan kong...

ang ilang bote ng alak
kasama ng mga kaibigan
habang sumasabay sa mga letra at salita sa monitor
ay di sapat para panandaliang mawala ka sa isip ko....

Kailan ko kaya matatanggap na wala ka na sa piling ko?
Na kahit kailan, wala ng pagkakataon para sa ating dalawa?
Na hindi na kailan man mauulit o madudugtungan ang ating nasimulan..

Sana malapit na...
Hindi na kasi sumasapat ang mga luha sa iyong pagkawala
Hindi na rin sapat na tignan ka lamang sa garapong nagsilbi mong himlayan...

Ayokong kita'y kalimutan
Ngunit papaano ba ako mabubuhay kung alam kong wala ka na?
Tulungan mo naman ako
Bumalik ka na sa tabi ko..

Friday, November 19, 2010

Magparamdam ka naman

isang oras
isang minuto
o kahit isang segundo
mabawasan lang ang pangungulila ko sa'yo...

Thursday, November 18, 2010

For Sale

"O ano may napili ka na ba?"

Inirapan ko si Jaena, pormadong pormado pa naman ako kasi akala ko pupunta kami sa mall. Yun pala dito lang kami pupunta sa thrift shop. Kaya pala pasuspense pa kanina kung saan pupunta, alam kasi niyang hindi ako sasama.

"Ba't naman kasi dito ka pa namimili?"

"Anong problema dito? Nadadaan naman mga 'to sa laba."

"E kahit na, malay mo patay na yung may-ari. Gosh magsusuot ka nun?"

"Sus hindi naman lahat. Tsaka di ba atleast kahit tigok na sila, meron pa rin silang natutulungan"

"Naku ewan ko sa'yo mga pinaglumaan na kaya tinda dito"

"Ang selan mo naman Pia, sabi nga another man's trash is another man's treasure."

"Di ka talaga matinag ah, lagi kang may palusot. Naku antayin na nga lang kita sa labas. Medyo nagrereklamo na yung ilong ko"

"Maghanap ka kasi diyan, try mo baka may magustuhan ka. I'm sure once makabili ka, maaadik ka na rin tulad ko."

"What ever Jae"

Palabas na ako ng shop ng mahagip ng mata ko ang isang babae. Ewan ko ba pero on instinct ay sinundan ko siya. Hindi ako attracted sa kanya, last time I checked babae pa naman ako. Sinundan ko siya kasi parang namagnet ako sa hawak-hawak niyang damit. Para bang love at first sight.Actually, hindi naman extravagant ang design at mukhang may kulang pa sa mga butones nito pero desidido akong mapasakin siya. Inintay kong makahanap ang babae ng iba at bitawan ang damit na iyon subalit nadadagdagan lang ang kanyang pinipili. Hindi na ako mapakali, parang hindi ko kakayanin kung siya ang makakabili ng damit na ito. Pinagpapawisan na ang aking mga kamay habang nakatanaw ako sa kanya papasok sa dressing room.

"O Pia, akala ko ba lalabas ka?"

"Ahmmm kasi may nakalimutan ako"

"May dala ka ba? Di ba wala naman?"

"Wag ka ngang magulo Jae, may inaantay ako"

Napatingin si Jae sa dressing room at biglang tumawa ng malakas.

"Anong nakakatawa?"

"Sabi ko sa'yo eh may magugustuhan ka, malas mo nga lang may nauna"

"Si ate gatong ka naman, maghanap ka na nga lang diyan ng iba pang bibilhin"

"Well goodluck naman sa'yo, sige tingin muna ako dito."

Ang tagal lumabas ng babae, kalkula ko parang 15 minutes na siya sa loob. Ganun ba talaga karami ang nabibili dito? Naningin na rin ako habang nag aantay para naman hindi ako mainip. In fairness magaganda rin naman ang mga nakikita kong damit, may ibang hindi pa gamit at yung iba pa nga branded.

Tumingin ulit ako sa relo, 5 minuto na ang nadagdag sa paghihintay ko bago lumabas ang babae. Sinisilip ko kung hawak pa rin niya ang damit na nagustuhan ko. Di na ako nakapagpigil.Pumunta na ako sa may cashier at nakiusyoso kung bibilhin niya ba ito.

"Miss, wala na bang discount dito?" (tinutukoy ang damit na gusto ko)

"Naku ate naka-sale na nga yan,tapat na presyo niyan"

Pambihira naman 'tong babae na 'to ukay na nga yung damit, tumatawad pa. Ang tagal pa niya magdecide kung bibilhin pa niya ito o hindi.Maya-maya pa ay binitawan na niya ito. Para akong nasa cloud 9 nang sa wakas ay dumampi na ito sa aking mga palad. Dali-dali akong pumasok sa dressing room para ito'y isukat. Perfect fit! Parang isunukat at ginawa talaga para sa akin ang damit na iyon. Nagpaikot ikot pa ako sa harap ng salamin bago tuluyan hinubad ang damit. Babayaran ko na sana ito sa cahier ng biglang lumapit sa akin ang babaeng kanina'y may hawak sa damit na iyon.

"Miss, kukunin ko na yung damit. Nilapag ko lang kanina."

Di ko alam kung anong gagawin ko. Sa totoo lang ayaw kong ibigay.Bakit kung kelan bibilhin ko na at tsaka niya pa kukunin? Sana kinatok na lang niya ako habng nagsusukat.

"E Miss, binitawan mo na kasi. Di mo naman ako pinigilan nung kinuha ko. So inassume ko na na hindi mo siya bibilhin."

"Nagbago kasi isip ko miss, bibilhin ko na pala siya."

Bigla naman akong nagpanting sa tinuran na iyon ng babae. Bagamat mejo naiinis na ako ay kalma pa rin akong nagsabi sa kanya.

"Miss, pasensiya na po pero hindi ko talaga siya maibabalik sa inyo. Nung kunin ko po ito mula sa pinagpatungan ninyo at hindi ninyo ako pinigilan, inalis niyo na po ang karapatan ninyo sa damit na ito. Ngayon po, dahil ako na ang kasunod na kumuha ako na rin po ang magdedesisyon kung bibilhin ko ito o ibabalik sa inyo. Pasensiya na po, pero kukunin ko po siya."

"First time mo miss?"

Nagulat ako sa sagot niyang iyon. Ineexpect ko pa naman na tatarayan niya ako. Pero sa halip ay ngiti ang ibinalik niya sa akin.

"Po?"

"Sabi ko kung first time mo?"

"Oo miss"

"Good start iyan para sa first timer. Once makita mo na yung gusto mo, wag mo nang papakawalan. Kasi katulad ko ngayon, nakakapag sisi na nagdalawang isip pa ako sa damit na yan. Maaring may katulad siya, sa style man o kulay, pero iba pa rin yung una mong nahawakan at nagustuhan"

"Hindi mo na kukunin sa akin?"

"Hindi na miss, kita ko naman sa'yo na talagang hindi mo ibibigay. Good Luck sa susunod mo pang pag-uukay."

Umalis ang babae at binayaran ko na rin ang damit. Maya-maya ay biglang sumulpot si Jae.

"Congrats sis on your first buy"

"Salamat, and definitely this wouldn't be my last"



***********
Loving is like shopping in an ukay-ukay. After a thorough search for a good catch and haggling for a cheaper buy, you'll find yourself keeping that one -- with a missing button or maybe with a stain-- not because it is inexpensive but because you know that it'll be a perfect fit albeit its imperfection.


JB,

Sa wakas natapos ko rin ang inaantay mong post ko. Siguro sasabihin mo na hindi ganun kaganda ang pagkakagawa. Pero pinilit ko pa ring tapusin dahil nagbabakasakali akong mababasa mo pa rin ito kahit andiyan ka na sa piling NIYA. Alam ko ikaw pa rin ang nagbigay sa akin ng lakas para tapusin ito kahit na ngayon sobrang pangungulila ko sa'yo. Miss na miss na kita. Kanina lang kasi kausap pa kita eh. Tapos ngayon wala ka na. Magparamdam ka naman. Tawagan mo ako.Gusto ko na ulit marinig ang boses mo lalo na kapag natatawa ka sa mga pang-aasar at jokes ko. Gusto ko na ulit marinig na ang paulit ulit mong paghingi ng kiss, kunwari hindi nakikinig pero gusto lang ulitin. Ngayon pa lang hindi ko na alam kung papaano ako matutulog. Yung hindi ko naririnig ang boses mo o kaya naman mababasa ang text mo bago kita makatulugan.Paramdam ka naman kahit saglit lang, please? Hindi man lang kasi kita nakita. Di ba sabi mo magkikita na tayo? Bakit ganun, hindi na naman matutuloy?

Kahit anong pilit ko na hindi umiyak hindi ko talaga mapigilan dy. Di ba ayaw mo na akong umiyak para sa'yo? Sorry ha, hindi ko kasi kaya. Hindi ko kaya na hindi maging malungkot. Sabi nila maging masaya na daw ako dahil masaya ka na kapiling NIYA. Hindi ko pa kaya.

Dy, kung mababasa mo ito. Salamat ha. Salamat sa lahat ng nagawa mo para sa akin. Salamat sa pagmamahal na pinadama mo sa akin. Salamat sa tatay ko, kung hindi dahil sa'yo hindi ko siya makikilala. Salamat dahil nakilala kita.Salamat dahil binigyan mo ako ng chance na mahalin ka at sana naramdaman mo ang pagmamahal kong ito sa'yo. Mahal na mahal kita dy. Mahal na mahal. Sobra.

Madz


Joven Brian Lopez
December 14, 1987 - November 18, 2010


Love is patient and kind, it is never jealous, love is never boastful or conceited, it is never rude or selfish, it does not take offense, nor is it resentful. Love takes no pleasure in others’ sins but delights in the truth; it is always ready to excuse, to trust, to hope and to endure whatever comes.

Tuesday, November 9, 2010

Watta Weekend (2)

Nov.7, 2010 - 6am yata ako nagising nito at ayun kumuyakoy ulit saglit at patext text lang kay tooooot. Maya-maya nagpaalam na ako sa kanya na pupunta sa palengke at doon magpapaayos ng payong. Ang text ni tooot, naka-allcaps na BALIK AGAD! Hindi niya alam medyo kabado ako kasi perstaym kong magpaayos ng payong at parang ayoko na ngang ituloy kasi medyo ginto ang bili ko dito at baka matuluyan kapag pinaayos ko..hehe magulo ba?basta un na yun.

Pagdating ko sa palengke, lakad lang ng konti ayun si manong quickie. Balikan ko na lang daw kasi matatagalan. Medyo alangan pa ako dito kasi mamaya baka palitan yung parts (wahahaha ate paranoid) kaya lang wala akong uupuan dun sa shop niya baka ugatan ako dun. Kaya naman nagdecide na lang akong gumala.

Nakaramdam ako ng gutom.Since wala pa akong breakfast, naghanap muna ako ng malalantakan.Hinanap ko agad yung maraming tao, bago lang kasi ako sa lugar so for sure ang kainan na dinudumog siguradong espeysyal ang tinda. Una kong nakita ang karinderya, kaya lang wala ako sa mood magkanin. Lakad ulit. Ayun, bakery. Ang daming tao, tinignan ko yung parang signboard nila, aba nakalagay "home of special monay and pandesal". Takte ano kayang lasa ng monay nila ate na itinitinda nila? Antay lang ako saglit, box office naman kasi eh hindi ko alam kung saan ako sisingit tapos problema ko pa dalawang piraso lang bibilhin ko. E kamusta naman yun , sila ate at kuya na bumibili pinakamababa ata ay trentang monay at pandesal. Syete, wag na nga lang next time ko na lang titikman ang monay nila.

Lakad ulit nang maaalala ko na may binilhan nga pala ako nung minsan ng kakanin sa may palengke.Sige magmamalagkit na lang ako na may color brown sa ibabaw (sori di ko alam tawag eh)tapos isang malamig na melon juice (goodluck kung san kinuha ang tubig :D )After kong bumili ay humanap ako ng kumportableng lugar kung saan masasatisfy ko ang aking katakawan.

At ang natagpuan ko? Langit! hahaha Oo heaven talaga sa pakiramdam.

Ganito kasi yun. Umupo ako sa may bangketa kasama ng mga palengkera , bumili ng dyaryo at ninamnam ang tamis ng kakanin at tubig na nilagyan ng melon strips. Perstaym ko yun pramis. Ewan ko ba, hindi ko maexplain pero kahit hindi ko malasahan ang melon sa iniinom ko at naglalangis na ang kamay ko sa kakanin, naenjoy ko ang mga sandaling iyon. Maaliwalas ang umaga, hindi ganon kaiinit, may kanya kanyang pinagkakaabalahan ang mga tao at maraming dumadaan na sasakyan. Of all places, nakakatawang isipin na masasabi kong at peace ako ng mga sandaling iyon. Parang bigla nagkaron ako ng AHA moment (adik lang kay Oprah). Gawd!

Mayamaya, may tumabi sa akin na hindi naman katandaang babae. Mayroon siyang dalang isang supot na kanin. Inaantay ko kung anong ulam niya.May sinasabi siya pero hindi ko maulinigan (ang term ang term!), kaya tinanong ko nalang si tita. Sabi ko asan ulam niya ba't kanin lang? Sabi ni tita wala na daw siya pambili (siya nga naman sino ba may gusto na kanin lang kainin, pag minsan talaga utak ko di gumagana). So ayun, dukot agad ako sa bulsa sabi ko bili siya ng ulam. Ang sarap ng ngiti ni tita, parang kodak moment lang. Mayamaya umupo ulit siya sa tabi ko, nakangiti pa rin at nagpasalamat tapos umalis na rin kasi maglalakad pa daw siya. Ako naman, tumayo na rin at binalikan si manong quickie para sa aking payong sabay uwi.


Hindi ko malilimutan ang araw na ito. Wala sana akong balak  ipost pero naisip ko, ito ang isa sa mga pangyayari sa buhay ko na gusto kong balikan. Alam mo yun, yung feeling na you're at the right place and time.Swak na swak. Grabe konting oras lang pero talagang iba yung naging arrive.


Spell happy? M-A-D-Z :)


P.S.

Sa TV Guide nga po pala ng Philippine Star, DIVA Universal na po ang channel namin hindi na po Hallmark :P

Monday, November 8, 2010

Watta Weekend (1)

Nov. 5, 2010 – Pagkauwi ko pa lang sa opisina inisip ko na kung anong gagawin ko sa weekend dahil tinatamad akong mag- O.T. sa work. Pagkatapos magpagulong -gulong sa bed ay nabuo ang itinerary ko for the weekend:

  1. Recto (maninigin ng bag sa isang store, diretso Binondo)
  2. Cubao X (check yung shop na featured sa creative dork na blog)
  3. Kaffe Razzo  (sa wakas, makakapunta na ko, Saturday naman di ba?)

Hindi ko alam kung ano ang uunahin sa tatlo pero sinigurado ko na bago ako matulog  ay plantsado na ang aking mga plano.

Nov. 6, 2010 – Tsaaaraaan Sabado na! Paggising ko ng mga 6am, inisip ko na kung anong uunahin ko. Kinonsider ko kasi ang mga sumusunod sa pagpili ng pupuntahan.

  1. damit na susuotin
  2. travel time
  3. kung mainit o hindi ang panahon ( baka kasi magmukha na kong dugyot pagdating ng hapon..haha)

Mga isang oras akong nag-isip at may isang nacross-out sa mga pupuntahan ko. Naisip ko kasing kailangan ko ang isang araw papunta sa Recto. Hehe saka na kako pag magshoshopping na. So dalawa na lang ang natira at sabi ko hapon na lang ako pupunta sa Cubao diretso sa Kaffe Razzo para magdinner.

Hmmm mukhang wala akong gagawin sa umaga. Napaisip naman ako dun. Blangko ako ng isang oras. Nang biglang…eurecka! Pupunta na lang ako sa bayan ng Marikina. Anong gagawin ko dun? Hehe Mag-uukay :D Sa next post na lang ang kwento about sa kaadikan ko sa pag-uukay. Anyways after 2 hours nang paghahanap. Ayun 2 dress ang nabili ko.Spell happy talaga..hehe

Nang makauwi na ko, pinroblema ko naman ang lunch. Ano bang kakainin ko? Buti na lang si housemate e nagising at nag-akit maglunch. Ayun, adobong manok at lumpiang shanghai ni manang ang nilantakan ko for lunch. Hmmm busog naman. Gusto ko sanang matulog pero sabi ko baka tamarin ako sa paglabas. Naghanap muna ako ng makakama kasi ang lungkot naman mag-isa. Swerte ko kasi yung kaninang badtrip kong opismate e pumayag na samahan ako.

Trip to Cubao X

Honestly, hindi ko alam ang papunta dito, sinearch ko na ang google pero wala namang lumabas. So ayun mega tanong ako kay housemate. Sabi niya sakay lang daw FX going to P. Tuazon tapos yung paradahan ng FX e yun na. So naniwala naman ako, kaya pagdating ni opismate (na nag-antay pa sa aking matapos), sakay na kami FX at pagdating dun e naloka na kami. Hindi pala yun yung pupuntahan namin. Hahaha Lakad kami ni opismate pabalik balik hanggang mapagod na kami at magtanong na lang sa guard kung san ba talaga kami pupunta. Syete nakadress pa naman ang lola mo! Ayun, sa wakas nalocate din namin at pagpunta ko dun nasabi ko na lang “hang ganda ganda!” Sa sobrang ganda hindi ako nakapagpapiktyur..hahahaha parang tanga lang! Balik na lang ako sa Nov.20 kasi sarado pa yung shop na nainlove ako sobra. Pero, may baon naman ako pauwi kasi may mga stall sa gitna at may tindang kung anik anik. Eto nga yung isa kong nabili kay kuya pogi:




Trip to Kaffe Razzo

Mula Cubao sabi ko kay opismate na magjeep na lang kami (sorry walang pang-taxi) kasi pag LRT medyo nalalayuan ako sa lalakarin from SM Sta. Mesa (tamad lang!). Sakto pagsakay naming ay biglang umulan ng malakas. Kinabahan naman ako kasi sabi ko baka sign na ‘to na wag ng tumuloy. Pero sabi ko, naman tagal kong naghintay ng Sabado na free ako tapos ngayon pa ba ko uurong? So ayun, byahe kami ni opismate patingin tingin sa tapat kasi baka lumampas kami. At yown, sana nga pinansin ko ang sign kasi pagdating naming dun ay SARADO. Langya, sabi ko baka naman late opening, pero nagtanong itong si opismate kay ate na nagphophotocopy sa katabi at ang sabi Monday pa daw. Syete uso nga pala ang sembreak! Lol  So ayun, sabi ko may plan B ba ako? Hmmm patila lang ng ulan tapos naalala ko ang isang resto na gusto ko rin puntahan somewhere in Marikina.  Sakay ulit ng jeep going to Café Lidia naman.

Trip to Café Lidia

So ayun from Sta. Mesa balik ulit kaming Cubao going to Ligaya. Sa Cubao nag-antay pa ako kay opismate sa may over pass dahil saktong baba niya ay umandar ang jeep. Hahaha Sign ba ulit ito? Aba naman sumosobra na, gutom na kaya ako. Pagdating namin sa Ligaya , nagtanong kami sa mga jeep na dumadaan kasi ayon sa source ko na suki na dun, alam na daw ito ng mga driver. Pero, kamusta naman yun ilang jeep na ang dumadaan at clueless sila tuwing nagtatanong kami. Buti na lang (wow laging may tagapagligtas), yung isang jeep kahit hindi alam nung driver yung sinasabi namin, alam naman ng mga nakasakay kung saan kami bababa. Hehehe

Pagdating dun, bongga may waiting area. Swerte ulit kasi table for two lang ang kailangan namin at may available na agad. Hehe Infairness, mura lang ha at madami pang serving. Haba na ng post ko eto na lang mga pictures namin dun:











 

I-add ang:

Anik anik sa Cubao X -            P700
Dinner at CafeLidia   -             600
UK Shopping            -              250
Fare -                                    125

I-minus ang:

Ulan
Pagod sa paghahanap ng nawawalang lugar? O tao? LOL
Shop na sarado (pramis di kita titigilan hanggat di ako nakakapasok sa loob)
Walang pera para makapag-shopping

Kabuuan ng Saturday: HAPPY MADZ :D









 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design