Noong pumunta ako ng Bohol para maka EB ang tatay ko, medyo kinabahan ako. Hindi dahil sa pagkikita naming iyon kundi yung eroplanong sasakyan ko. Pagkakita ko pa lang sa Eticket na pinadala ni ate, as in, ora mismo search agad ako kay papa google nang ganito : first time experience with Zest Air (hahaha sorry wrong grammar).
At nakuuuuuuuuuu po, wala yata sa mga post na nabasa ko e may magandang experience dito sa Zest. Kinabahan naman ako at mega pray na sana e bago ako matsugi e makita ko muna ang tatay ko at maikwento ko muna sa mundo na sa wakas e nakasakay na ako ng eroplano.
So eto na nga yung araw na lilipad na ako, medyo excited pa ang bata at dumating sa airport 7hrs advanced. hahahaha napanis ako dun at nagutom at the same time. Di na kasi ako nakapagbreakfast at kung anu-ano lang pagkain na ginto ang nakain ko dun sa airport. Pagkakuha ko nung boarding pass, nakalagay 22C..San kaya yun?? Medyo tumataas na excitement nung bata only to find out na dun pala yun sa may bandang likuran ng eroplano at sa may aisle pa. Shocks naman first time ko tapos hindi pa ko nilagay sa may bintana. Makikiusap sana ako dun sa mga katabi ko nang may magsalita na sa mikropono at pakikabit na daw ng seatbelt at mayamaya e lilipad na. Malas ko talaga....Matutulog na sana ako nang mayamaya e napa-WAIT THERE's MORE ako at ito ang naging eksena:
Pagkatapos, napaisip na lang ako. Maybe it was meant to be. Di ko man makita ang mga ulap feeling ko naman nasa langit na ako. Ang landi lang...hahahaha :)
wahaha. ang tagal mag load ng video kaya obviously, di ko natapos at hanggang 3 seconds lang ako. so eto, magtatanong nalang ako. sino yang lalake jan? in fairness, pogi xa! hahaha
ReplyDeletepahinga ka muna. may jet log ka pa parekoy hehehe
ReplyDeletey not coconut! hehehe...
ReplyDeleteikaw na ang bakasyonista hehehe...
di excited at 7 hours talaga advance hahahaa..ai teka ok ba ang zest air?
ReplyDeleteang kyut ni koyah hahaha....pero d ko cya type puhahhaa..
kamusta ang bohol??
pinapahirapan mo ko sa video mo... ilang taon bago magload. Tsk!
ReplyDeleteoo nga, ok naman ba ang zestair?
at least safe kang nakalanding hehehe. ang lam ko yan ung dating asian spirit na kung saan, pag alis mo, asian ka pa. pero pag pabalik na, spirit ka na lang. hehehehe. :D
ReplyDeleteNabasa ko sa may isang blog na sobrang pangit daw ng service diyan sa Zest Air, pero mukha namang kiber ka dun dahil sa lalake,, Ahihihi.. Pansin ko tumitig siya xeo once a.. LOLOLOLOL :D
ReplyDeleteHaha. Akala ko naman kung bakit ang saya ng feeling. May bumubusog pala sa paningin. Haha. Ang cool nung mga babaeng nagsasayaw habang dinidiscuss yung ganyan sa youtube. Like!
ReplyDeletedi ko naman mapanuod yung video. :(
ReplyDeleteang sarap kaya umupo sa may bintana ng eroplano. kita mo yung langit. yung dagat. yung mga bundok bundok. (wala lang nang-iinis lang... hehehe)
peace.
hahaha nahawi ang takot ng dahil sa kalandian.. wahehee... buti at safe landing...
ReplyDelete@ester ay bat sakin hindi naman matagal magload??hmmmmmm gwapo noh??FA yan, nagdemo lang.
ReplyDelete@istambay haha tagal ko nang nakapahinga, last year pa yan ngayon ko lang napost :)
@jag y not talaga...hahahaha
@unni oo natakot kasi ako dun sa mga nabasa ko at isa pa hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya talaga inagapan ko na.. uhmmm sa experience ko ha, ok naman mga 30 mins lang yung delay tapos may ganyang mukha pa...LOL bitin ang bakasyon ko sa Bohol balik ako ng May pag may pera :D
@empi bat ganun namimili ata yung player???hahahahahaha sakin ok pag ganito ang mga FA...LOL
@bino oo eto nga yata yun, buti na lang zest air na...
@Michael hahaha tanggal ang kaba at takot ko sa fez ni kuya... talaga??? wait panoorin ko ulet!hahaha
ReplyDelete@Yow oo napanood ko nga rin yun, pero mas gusto ko 'to..hahaha alam na...
@gillboard awwwwwww sayang naman..haha wag mo na ko inggitin kasi pagbalik ko naman sa Manila nasa may bintana na yung seat ko...yun nga lang malapit sa may pakpak..buset din!LOL
@kiko hehehe uwo ganun talaga..
buti pumayag na kuna mo si kuya.
ReplyDeletehnd ko mapanuod. grrrrrrrrrrr. kilala mo ko
ReplyDelete-vannlao
weeeeeeell... ngload ng mabilisan ang video sa akin! and i must agree with the langit feeling! hahahaha! si kuyang pasimpleng umiismile sa camera, gustong gusto namang kinukunan! hihihi (ang landi lang ren)
ReplyDeletebuti naman at magkikita na kayo ng papa mo! God bless you both! =)
Sigurado ako, hindi ka nakinig sa instructions kasi busy ang mata mo hehehehe....
ReplyDelete@kikilabotz - ok lang kahit hindi mo napanood di ka rin naman magiging intersado jan..hahaha
ReplyDelete@rainbow box - hihihihi kamusta naman ang pagbookmark sa post kong ito??LOL
@glentot - korek! wala akong naitindihan, sa iba ako nakafocus eh :)
Hahahaha! Binidyo mo talaga si kuya? Landeh!
ReplyDeleteKamusta ang pagkikita with your tatay?
ReplyDeleteBuhay ka pa kaya i-aassume ko na maayos ang paglipad ng Zest Air.
Natatawa ako don sa first time sa eroplano. Oo, kung ikaw ay na-eexcite, ako naman, parang tanga lang.
@salbehe ganun talaga, andun na yung pagkakataon palalagpasin ko pa ba???LOL ang tanga ko lang hindi ko nakita yung pangalan ni kuya, sayang di ko nasearch sa FB. :)
ReplyDelete@J.Kulisap medyo nagkahiyaan pa kami ng tatay ko pero nung nagkita kami may something na sobrang nagpagaan ng loob ko. Sobrang happy talaga :)
share mo naman ang first time mo!haha
natatawa ako sa term mo na "EB" hahaha
ReplyDeleteang landi nga lang... lol..
]pumeperstaym! :P
Hahaha. Natawa ako dun ah. Hindi ko man nakita ang ulap, atleast nasa langit na. Hehe.
ReplyDeleteHindi pa ako nakakasakay sa eroplano at barko. Iba kasi ang sinasakyan ko madalas e.hehe.
meant to be haha...dalawang langit napuntahan mo haha
ReplyDeletegrabe ..naloka ako sa nagsulat ng ito..grabe ang halalhak ko s faculty roo...ang landi hahahah
ReplyDelete