Thursday, January 6, 2011

Shed

Pag may dumaan na sampung jeep na walang sakay aalis na ko.


"hon,san ka na?"
"d2 q sa may shed nina pa,san knb?"
"sorry hon may inutos pa si mama,papunta na rin ako jan"
"cge."


Isa...

Dalawa...

Palagi na lang late si Santi.

Tatlo...

Nakakasawa na.

Apat...

Lima...

Ako naman si tanga kinukunsinti,nasanay tuloy.

Anim...

"hon, im on my way na.30mins."

Katatapos ko lang ubusin ang sandwich na baon ko nang mabasa ang text niya.Sana pala nagdala na rin ako ng mani.

Pito...

Mapapanis na naman ako dito sigurado.

"hon sori ha palaging late.malapit na talaga.luv u"

"k lang,w8 kita.luv u 2"

Walo...

Dalawang jeep na lang,alam ko darating na siya.Sana.

Siyam...

"Babes, wait m q puntahan ko lang si Olive sa may shed. Promise, aayusin ko na 'to. I love you"

....

....

....

....

Sampu...

"wrong send ka Santi"

Dumaan na yung sampung jeep pero parang hindi ako makatayo.


Mamaya na lang siguro,



kapag may dumaan na gold na taxi...



uuwi na ko.






11 comments:

  1. tibay... ganyan daw talaga pag umiibig. :D

    ReplyDelete
  2. aruy aruy....
    nawrong sent pa,,tae ang tagal ko inulit ulit basahin tagal na gets hhhaha,,tae ang boba ko talga,,,T_T

    -unni-

    ReplyDelete
  3. grabe.... tsk tsk. it hurts lalo wrong send.

    ReplyDelete
  4. naghintay pa ng gold na taxi.. hmmm mahal ba talaga o manhid lang... gising gising..

    ReplyDelete
  5. A person who truly loves you will never let you go, no matter how hard the situation is.

    :(

    ReplyDelete
  6. Binasa ko uli nung nabasa ko ung name na Olive, sa isip ko sana hindi si Olive ung nasa shed na naghihintay kay santi, sana hindi wrong send... mali ako :(

    pag ibig nga naman oo...

    ReplyDelete
  7. shet naman o.. pakshet talaga. haha! natawa ko dun sa martir nievera na comment sa taas ko.

    hayyyst..

    ReplyDelete
  8. tama ako sa comment ni salbe. hehehe, idol talga kita sa pagawa ng kwento. ^_^. ayaw ako iaad ng pinsan mo. hahaha. hnd n tayo magiging magpinsan. sayang hahaha

    ReplyDelete
  9. ang tyaga ah! kung ako yun, pang 5 jeep pa lang umalis na ko. wahahaha joke!

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design