Sabi nga nila kung gusto mo talaga ang isang bagay, malalampasan mo ang lahat ng mga pagsubok upang ito’y makamtam. Super like ko ang kasabihang ito lalo na at super relate ito sa nangyari sa akin last weekend (kung makasuper naman ako :D).
PAANO NGA BA AKO NAKARATING DITO?
Ganito kasi yun, dahil inip na inip na ako at walang ginagawa sa trabaho nitong nakaraang linggo (alam ‘to ng mga katweet at kaFB ko), naisip kong bigyan naman ng konting anghang at saya ang nanlalata kong life. Kaya naman nang dumating ang weekend, kasama si opismate ay naglakbay kami sa malayong malayong lugar.
Akala ko talaga hindi na ito matutuloy kasi naman medyo nag-alangan ako sa aking kaperahan. Baka kasi gumastos ako ng malaki dito at maghunger strike ng mga 15 days. Pero sabi ko nga, andito na eh ngayon pa ba ko uurong. So after ng work ay dumiretso agad kami sa aming suking ATM para magwithdraw. Lo and behold, napamulaga ako nang makita kung magkano ang laman ng aking account. God is good talaga hindi ako papabayaang pumayat.
Pagdating sa bahay (nakabyahe na kami nito galing Maynila), napatingin ako sa kalangitan. Napamura ako ng slight sabay nagsorry at pabeautiful eyes na sinabi “Lord, wag naman sanang umulan bukas, magsswimming ho kami”. Ang usapan namin ni opismate para masulit ang adventure na ito kailangan naming gumising ng maaga at makaalis ng 6am. Ang siste napasarap kami pareho dahil malamig ang panahon. Ayun tuloy nakaalis kami sa bahay pasado alas-otso na.
Mukhang maganda ang panahon. Mahangin pero nanunuot na rin sa balat ko ang init. Pag sinuswerte nga naman. Nung nasa terminal na kami, sabi ko kay opismate magbreakfast muna kami tutal naman halos wala pang tao sa jeep. Pagkaorder ay lumingon muli ako sa terminal at biglang kinabahan. May basis nga yung kaba ko kasi isang subo pa lang ng kanin eh umandar na yung jeep. Syemay, bagong jeep mag-aantay kami na mapuno. Pero ang nakakatuwa pagsakay namin, bigla dumagsa yung ibang pasahero. Off we go sa isa pang terminal para mareach ang aming destinasyon.
Pagdating doon mga 30 mins. pa ay umalis na yung jeep. Grabe sa sobrang haba ng binyahe namin napaisip na tuloy ako kung tama ba yung sabi dun sa blog na binasa ko kasi naman hindi ko mahanap yung landmark na sinasabi niya. Yun pala sasakay pa kami ng tricycle bago ko makita yung tore na yun (di ko alam correct term) ng powerplant.
Di pa dun nagtatapos ang aming byahe, dahil after ng tricycle ay mahabang lakaran ang naghihintay para sa amin. Actually may isang option pa naman, ang sumakay ng bangka. Yun nga lang, walang life vest tapos ginto pa yung pamasahe (kamusta naman yun) kaya nagtiyaga kami ni opismate na lumakad sa batuhan at matalahib na daan (wow trekking). Inabot din siguro ng 15-25 mins yung lakad bago namin masilayan ang karatulang “Private Property of Lukang Family No Tresspassing”. Sabi ko eto na yun, eto na yun. Nakita ko na ‘to sa blog na nabasa ko. At pagpasok dun sa loob tanggal lahat ang pagod namin nang makita kung gaano kaganda yung lugar.Pramis hindi ka magsisisi!
Kita naman sa picture kung gaano kami nag-enjoy di ba? Kahit pa sabihing limited lang yung oras ng stay at walang kang panlinis after (salt water lang ang available),plano pa rin namin ni opismate na bumalik dito. Sa sobrang enjoy nga naming dalawa nalimutan naming magpasundo sa tricycle driver, ayun tuloy nadagdagan yung lalakarin namin ng mga 45mins. Wow feeling ko ang daming nabawas sa fats ko. LOL Pag-uwi sa bahay, wala na akong masabi dahil after maligo ay himbing na agad ako sa pagtulog. Ako na, ako na talaga ang pagod!
So ano ang relate nito sa first paragraph? Hindi ko rin alam actually. Joke. Parang pagbblog lang kasi. May mga times na wala akong maisulat, busy busyhan at kung anu-ano pang dahilan para hindi makapagpost pero dahil gusto kong karirin ang pagbblog, napaglalabanan ko ang mga tukso at patuloy na tumitipa sa keyboard para may maiwan na bakas sa bahay ko. Kita mo naman, sa dalawang taon na pagbblog ko eh nakaabot ako sa ika-isang daan na post. San ka pa? Ang sipag ko kaya!
Nice trip! Pero ang liliit ng pictures..pero tama yang ginagawa mo...adding spice to your life para hndi tuluyang ma-bore...God bless!
ReplyDeletechhheeerrrss marekoy. sana umabot din ako ng ganyan.. posting ha hindi pagod hehehe.. juk...
ReplyDeleteCongratulations sa ika-100 na post! Ang gandang celebration ang ginawa nyo. Ang saya saya!
ReplyDeletenaks naman.. kakainggit... sama ako sa next misadventure mo hehehe :D
ReplyDeletecongrats sa 100 post :D
ang galing naman... very productive ang araw mo na yon. ang saya!
ReplyDeletenice trip, nice place, nice story...
ReplyDeleteHappy 100th post sayo!
oks na oks ang adventure mo ah...hindi halata na nag enjoy ka...hahaha... congrats sa ika 100 taon este post mo!ikaw na... hehehe...
ReplyDeleteWow. Congrats sa 100th post. Achievement nga ito. At ang saya ng celebration. Haha. Maganda yung biglaang trip, kadalasan yun ang natutuloy. Haha. ANg cool pa, hahanapin mo talaga ng solid yung lugar. Like!
ReplyDeleteYano ay u...ay 'di yang paglangoy mo ano?
ReplyDelete100 post? Wow.
Kongrats!
nice 100th post...centennial celebration na pla... congrats... tagay dapat yan.. ahehehe...:)
ReplyDeleteE di ikaw na ang maraming laman ang ATM. Hahaha. Buti ka pa, paliwa-liwaliw lang. Wala akong maiblog na mga ganyan. Haha.
ReplyDeleteikaw na ang may 100th post. pasalmat ka hnd ako kagaya mo. hehehe. mabait ak. sayang dapat sinama mo ako. game ako sa mga ganyan. hehe. yayain mo ko palagi khit minsan bka hnd ako makasama ha
ReplyDelete?
yey!
ReplyDelete100th post!
kongratsumeleyshuns...!!!!
more posts to come. ahihihi
nainggit ako.. un lang.. hahahaha
congrats sa iyong 100th post! at hindi naman kayo nagenjoy eh! hindi naman kita sa mga ngiti nyo sa picture! hehehehehe
ReplyDeleteoh em gee! (so conyo ko tae) sama ako sa susunod!! nainggit akoooo! :(
ReplyDeleteyey! 100 post.. akala ko naman contest.. ano ba yan? lol
ReplyDeletecongrats! sobrang ganda talaga dyan sa Kwebang Lampas... babalik-balikan mo talaga...
ReplyDelete