This can’t be her. Ang bilis naman atang sumagot ni Dianne at si Jade pa mismo ang binigay nya. Dahan dahan akong tumayo at humarap kung saan nanggaling yung boses.
“A…anong ginagawa mo dito Jade”
“Hindi ko rin mapaliwanag, maybe it was because of Dianne kaya nandito ako or dahil sakin o pwede ring para sa’yo. Para sa’tin.”
“Sa’tin?”
“Una, gusto kong magpasalamat for taking me home that night. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin nung gabing yun if it weren’t for you. Pangalawa, I’m sorry na hindi man lang kita nadamayan. Masyado akong nafocus kay Carlo na nakalimutan ko na may nag-eexist pang ibang tao. Hindi kita napuntahan noong panahon na kailangan mo nang kaibigan. Sorry talaga. At yung pangatlo.... hindi ko alam kung ito yung lugar para sabihin ko sa’yo.” Napatingin si Jade sa puntod ni Dianne.
“Huwag kang mag-alala maiintindihan niya kung ano man yung sasabihin mo.”
“Mahal naman kita noon eh. Natakot lang ako na mawala ka. Marami lang akong nakita na magkaibigan na naging sila tapos nagkahiwalay at hindi na bumalik sa dati nilang relasyon as friends. Hindi ko kayang i-risk tayo, yung friendship, kaya pinili ko si Carlo. I tried to forget what I feel for you through him. Minahal ko siya but it didn’t work out. Karma nga siguro kasi sinaktan kita.”
“Isipin na lang natin Jade na hindi para sa atin yun kaya nangyari. Na binigyan tayo ng chance para lawakan yung mundong ginagalawan natin at makakilala nang mga taong pwede pala nating mahalin, maging maganda o pangit man ang kahihinatnan. I was hurt. Pero thankful pa rin ako kasi nakilala ko si Dianne at hinding hindi ko pagsisisihan yun.”
“Mahal mo talaga siya no?”
“Si Dianne? Oo. She’s very special to me…
Parang ikaw, hindi ka naman nawala dito” Sabay turo sa aking puso.
“Paolo…”
“Naiintindihan ko Jade. Handa naman akong mag-intay hanggang kaya na ng puso mong tumanggap nang panibago. Sana lang payagan mo ako na mapalapit muli sa’yo. Yung tulungan kang makabangon. Para mapatunayan ko na… ”
Nagulat ako ng biglang yumakap si Jade.
“Paolo mahal din kita.Wala ka nang dapat patunayan. Hindi mo man maramdaman ngayon pero sigurado akong mahal kita.”
Humigpit lalo ang yakap ko kay Jade. Gusto kong masiguro na totoo nga siya,na sa kanya ko talaga narinig na mahal niya rin ako. Matagal ko nang pinapangarap ang pagkakataong ito.
Maya-maya ay nagpaalam na kami kay Dianne at hawak-kamay na humarap kung ano man ang naghihintay para sa amin. Handa na ako. Alam ko magiging mahirap sa simula pero magiging ok din ang lahat. Sabi ko nga maghihintay ako. Maghihintay na tuluyan niyang tugunan ang pag-ibig ko. Pag dumating ang oras na iyon, ako na yata ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo at sisiguraduhing kong hindi na muling masasaktan si Jade...
tapos na waaaaaaaaaa...
ReplyDeletekakalungkot isipin na kailangan pang may masakripisyo para malaman mo sa bandang huli na nagkamali tayo ng desisyon. Na para sa mas matatag na relasyon.
ganda ng story.. sana magkaron pa ng panibago...
salamat ng madami dito.. :))
ang lungkot ng ending ^_^. kala ko may lalabas ng kamay ng kalansay sa lbingan tapos hahawakan yung mga paa nila. at hindi n sila nakaalis dun haang buhay
ReplyDelete-kikilabotz.
Universal, Precious, Lovelife, mga wakasang komiks yan nong araw.
ReplyDeleteParang ganyan ang mga kwento 'don.
I encourage you to hone your craft more, who knows writing love stories will open new direction to your bloglife/career. I've seen a great potential from you.
Mahusay, mahirap gumawa ng kuwento, iisang tao kasi ang magpapagalaw ng mga karakter kung kaya't kahanga-hanga ang mga nobelista. Malay natin, isa ka na pala don.
wee.. super likey... i love sad endings...
ReplyDeleteGood story harlesschiq. Ü
ReplyDeletesa wakas nagkatuluyan na sila..hehehe. Cheers!
wow!ang galing mo sis..binasa ko ulit lahat ang galing talaga..bilib ako sayo sis!thumbs up!sana may upcoming stories ka pa..=)
ReplyDeletetalagang binasa ko lahat.hahaha.galing!
ReplyDeleteateee, pang Precious ito, katulad ng sinabi ni Sir J. Kulisap, may potential ka, go lang! :))
ReplyDeleteawwww.parang pocketbook lng..
ReplyDeletegaling ...laki ng potential...nice! :))
napadaan lng poh...
(bloghopping)
:))
happy ending... ganda ng story. :)
ReplyDelete