Pages

Wednesday, January 19, 2011

Hanggang Dito na Lang (5)

“Ser ok ka lang? Yosi?”

“Hindi ako nagyoyosi miss, salamat na lang.”

“Kung mamamatay ka na ba at ito na ang huling araw mo tapos inalok kita ng yosi susubukan mo?”

“Siguro.”

“E di isipin mo na lang na last day mo na ‘to, tutal naman mukha kang pinagsukluban ng langit. Ako nga pala si Dianne. Six months from now baka hindi mo na rin naman  ako makita.”

“Ha?”

“May taning na ko eh, cancer. Teka ano munang pangalan mo?”

“Miss nagbibiro ka ba o nagbibiro ka?” Nakipagkamay na rin ako kahit medyo naweweirduhan ako sa kanya. “Paolo, miss.”

“Ewan ko ba kung anong naisip ng doctor ko, pinapunta-punta ako dito sa bundok. Kailangan ko daw ng preskong hangin. E kahit saan naman ako pumunta napopollute din gawa nito.” Sabay turo sa aking nang yosing nasa kamay niya.


6months after….

“Psst”

“Hahaha, para kang tanga, kanina ka pa diyan?”

“Oo, gusto mo?” Sabay labas nang cake na nakatago sa likuran ko.

“Birthday ko?”

“Let’s celebrate. Mali yung doc mo. Buhay ka pa at kasama mo pa yung poging boyfriend mo.”

“’Lika nga dito, gusto kitang i-kiss. Hmmmm bango mo naman ngayon parang gusto ko na lang umuwi at papakin ka.”

“Huwag mo kong hamunin, hindi kita uurungan. hahahaha”

“Hmmmm something’s wrong with you”

“Ha? Ano yun?”

“It’s the first time na makita kitang ganyan kasaya. Nagkita kayo ni Jade”

“Bakit mo naman nasabi yan?”

“Wala lang. Malay ko ba.”

“Alam mo kung bakit ako masaya?”

“Sige nga bakit?”

“Kasi kasama pa kita. I love you Dianne.”

“Mas mahal yata kita.”

5 months later…

“Paolo when I’m gone, wag kang malulungkot ok. Pwede kang umiyak kahit isang araw lang pero kinabukasan bumangon ka na ha and be happy.”

“Dianne…”

“Just promise me ok? Alam mo kasi kahit gusto mo pang lumaban, minsan kailangan ring tanggapin na hanggang dun na lang. Na tapos na yung misyon mo sa mundo, misyon mo sa isang tao. And I think my mission with you is done.”

“Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo Dianne?”

“I love you Paolo, lagi mo yang tatandaan. I want you to be happy. I don’t know kung kanino pero kung si Jade man yan…”

“Dianne…”

“Let me finish. Kung si Jade man yan o hindi, huwag kang mag-alala hindi ako magseselos. Ang mahalaga lang eh yung masaya ka pero pag nasaktan ka, kasama rin ako sa masasaktan. Kausapin mo ko kahit wala na ako, maririnig ko yun sa langit. I’ll try to comfort you kahit sa anong paraan na kaya ko. Thank you for making me feel special and loved. Feeling ko pwede na akong mamatay.”

At kinagabihan nga, tuluyan ng nagpahinga si Dianne. Hindi man naging madali sa akin ang pagtanggap sa kanyang pagkawala ay pinagpatuloy ko naman ang aking buhay. Alam ko kasing mas mapapanatag siya kung makikita niyang hindi ako sumusuko. Magkaganun man, tuwing nalulungkot ako o may bagong nangyayari sa akin ay hindi ko siya nalilimutang puntahan. Siya pa rin kasi ang paborito kong kakwentuhan, hindi man siya sumasagot batid kong nakikinig siya. Lalo na ngayon, na nakita ko na ang hinahanap niya. Hinahanap niya para sa akin.

“Hi Dianne, naistorbo ba kita? Nahulaan mo na siguro kung anong sasabihin ko. I saw her. Yung babaeng gusto ko nang makasama.  Pasensiya na Dianne ha, hindi ko rin naman ‘to inaasahan, hindi ko naman akalain na magkikita pa rin kami. I saw Jade. And I must admit she still has the same effects on me. But she’s in pain right now. Gusto ko sana na tulungan siyang makamove on, to ease her pain pero hindi ko alam kung ako ba yung karapat-dapat na gumawa nun. Gusto ko sana kahit magkaibigan lang muna, yung madamayan ko lang siya.”

Napapikit ako. Siguro dahil sa pagkalito at gusto kong maramdaman na nakikinig sa akin si Dianne. Na maaring mabigyan niya ako ng sagot kahit alam kong may pagkaimposible.

“Ano bang gagawin ko Dianne? Pwede bang bigyan mo ako ng sign? Nakakafrustrate kasi na makitang nagkakaganun siya. Paano ko ba siya mapapasaya?”


“Just be with me Paolo, yun lang”


16 comments:

  1. just be with me, paolo... ??

    teka teka.. medyo slow ata ako. di ko ata naintindihan ng maayos. tsk..

    ReplyDelete
  2. @Bino ganun talaga pero di ba nga sabi nila, kung may umaalis meron din namang dumadating :D Abangan mo na lang yung ending :)

    @chikletz bilis mo ah!hahaha Nasa kasunod na kabanata yung magiging sagot sa kalituhan mo :D

    ReplyDelete
  3. naguluhan din ako dun sa just be with me paolo.

    nice entry na naman muse.

    ReplyDelete
  4. cguro dumating si jade. yun cguro. hahahaha. etong part lng nabasa ko. tiatamad ako mag back read. nyahahahaha

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  5. just be with me, paolo.. malalim ah

    ang lungkot :(

    ReplyDelete
  6. Hoy! Bakit ang iikli ng post mo? Damihan mo nga nabibitin ako e. Hahaha.

    --dumating na nga si jade.hehe. pupunta sya sa puntod ni dianne diba.hehe.

    ReplyDelete
  7. Sino ang nagwika ng "Just be with me Paolo? ", si Dianne? Buhay si Dianne? eh hinulog ko na siya sa bangin Madz. Si Jade, buhay din? Panong nangyari?

    Panira ng moment si Kuli.

    Nakakabitin...pabitin nga!

    ReplyDelete
  8. Nakakaiyak..kaya lng bitin..salamat nga pala sa pagdaan sa tambayan ko..

    ReplyDelete
  9. ang dami namang part! ito lang nabasa ko. sorry naman. LOL

    ReplyDelete
  10. super like na nobela.. malungkot...

    ReplyDelete
  11. oi astig kng mgsulat hehehe kababasa ko lnbg ng latest part hehehe..pwera biro.. mas gusto ko na pagsusulat m,o hehhee

    ReplyDelete
  12. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  13. medyo.. sobrang binitin mo dito, madayaaaaaaaa. haha. galing madz, pahabain mo yung story nito para cute! *ano daw? nyahaha.

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design