Pages

Friday, January 14, 2011

Hanggang Dito Na Lang (3)


Ayoko pang umuwi, gusto kong magpakalasing katulad ni Jade. Isa, dalawa, tatlo…lima…walong bote. Nagbabakasakali akong malilimutan ang tagpo kanina subalit  walang epekto ang alak. Para pang nang aasar at paulit ulit na bumabalik ang naging tugon ni Jade.

“Mahal din kita Carl. Sobra”

Matagal ko nang tanggap na si Carl ang nanalo, ngunit ang marinig ito mismo sa bibig ni Jade sa kalagayan niya kanina para akong papel na kinuyumos at itinapon sa basurahan. Akala ko madadaan sa tagal ng panahon ang paglimot sa kanya, hindi ko alam na ang muling pagkikita namin ang magpapatunay na nagkamali ako. Hanggang ngayon si Jade pa rin ang mahal ko.

Habang tinitignan ko ang mga ilaw sa kamaynilaan, parang nakikita ko ang mga mata ni Jade. Ang mga mata niya noong kapiling ko pa siya, maningning at punong-puno ng kulay. Dati, madalas kaming magpunta dito lalo na kapag nasstress kami sa trabaho. Bagamat mas maraming lugar na pwedeng puntahan sa Maynila, dito namin pinipiling mag-unwind. Presko ang hangin, tahimik at kami lang madalas ang tao. Masaya naman kami noon. Noong kuntento pa ako na hanggang dun lang kami.

“Jade, paano kung mahal kita?”
Saglit siyang napatigil ngunit dagli rin pinagpatuloy ang paghagis ng bato sa may bangin.
“Ok na tayo ng ganito Paolo, mas mabuti pang magkaibigan lang tayo”
“Bakit?”
“Magiging kumplikado lang, madaming expectations at demands na eventually magiging cause ng break up.”
“Bakit ba takot kang magtake ng risk?”
“Because I’m too afraid to lose you, that’s why.”

Pagkatapos nang pag-uusap naming iyon, biglang pumasok sa eksena si Carl. Hindi ko alam kung talagang mahal niya ito o isang paraan lang para sabihing hindi talaga kami pwede. Inintindi ko na lang s Jade tutal lumalabas pa rin naman kami kahit hindi na sa Antipolo. Madalas, sumasabit ako sa mga lakad nila dahil gusto kong makilala si Carl para man lang bago ako bumitaw, alam kong hindi siya nito pababayaan.

Unti-unti na akong umiwas kay Jade nang maging sila na ni Carl. Napansin ko kasing medyo seloso ang huli at masayang masaya na ang babaeng pinakamamahal ko sa kanya. Minsang napadaan ako sa lugar namin ni Jade ay nakilala ko ang babaeng di ko inaasahang magmamahal sa akin.

Para akong naalimputangan sa alaala kong iyon. Mabilis kong kinuha ang susi sa aking bulsa at pinaandar ang sasakyan. Alam ko na kung saan ako pupunta. Kung saan mapapanatag ang loob ko. Kay Dianne.

*******
Sa mga nakabasa na nung unang dalawa, eto po yung kasunod pasensya na kung inabot ng ilang buwan bago masundan. Mahina lang talaga ako sa kabana-kabanata. Subukin ko pong matapos ang kwentong ito. Sana maantay niyo pa :D

Sa mga bago lang sa bahay ko, ito po yung sinabi kong naunang dalawa:

Part I 
Part II 

Enjoy!

 

8 comments:

  1. awkward yung name ng girl hehehe katunog pa ng pangalan ko hehehe anyway..ang ganda medyo gloomy lang ang dating sa akin kawawa si paolo eh

    ReplyDelete
  2. aabangan ko ang karugtong.... :)

    ReplyDelete
  3. Nice story. Lumalab stori. pustahan tayo may pinaghugutan to.hehe.

    ReplyDelete
  4. ayan ngayon ko palang naenjoy to..waheheh... gumaganda na kasi..w aheheh

    ReplyDelete
  5. naku may pinaghuhugutan nga nman to! hehehe. Binackread ko muna yung dalawa bago ko binasa at naappreciate ko. galing :D hay love :)

    ReplyDelete
  6. congrats

    kilala mo kung sino ako. i hate youuu. hahahaha. mas mahaba pa ako magcomment

    ReplyDelete
  7. parang nasa pocketbook.

    Ipasa mo ito, pagkakitaan mo.

    :)

    ReplyDelete
  8. matagal bago nasundan yung huli ah, naalala ko pa yung koment ko sa part 1 nito, o dbaaa bongga pag may bitin bitin epek. :)))

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design