Pages

Sunday, January 16, 2011

Hanggang Dito na Lang (4)

Ilang beses na akong tumatawag. Lahat na yata ng numero sa keypad ay natry ko na subalit hindi niya sinasagot. Siguro nga napilitan lang siya na ihatid ako. Out of courtesy kumbaga. Kamusta na kaya siya? sila ni Dianne?

Nasaktan ako nung maging sila. Akala ko kasi ako lang ang mamahalin ni Paolo pero hindi pala. Makakakita pa pala siya ng babaeng hihigit sa akin. Kaya naman ibinuhos ko na lang ang lahat ng oras at panahon ko kay Carl. Sinubukan ko siyang mahalin at natutunan ko rin naman agad-agad.

Minsan, kapag napapatitig ako kay Carl napapaisip ako. Paano kaya kung naging kami ni Paolo? Magiging masaya din kaya kami katulad nito o masisira lang ang pagkakaibigan namin dahil pinilit naming magkaroon ng ganitong relasyon. Hindi ko alam kung bahid ba iyon nang panghihinayang o namimiss ko lang siya talaga.

Nagsuklay na ako ng buhok at inayos ang aking sarili. Lumabas ng aking kwarto para maghanap ng makakakain. Nagluto pala si mama ng dinuguan. Kahit paborito ko ang ulam parang wala pa rin akong gana. Alam ko malaki na ang pinagbago ng aking itsura, siguro nga napansin din iyon ni Paolo.

Matapos kumain ay nahiga ako sa sofa at nanood sa TV. Palipat-lipat ako ng channel, bawat commercial ay naghahanap ako ng ibang palabas. Ayokong mabakante, gusto kong maging busy ang aking isip. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

“Jade, anak gising na. Lumipat ka na sa kwarto mo para makatulog ka nang maayos”

“Mamaya na ma, namiss ko yata ‘tong sofa, ang lambot lambot”

“Nga pala yung bisita kanina ni mareng Fe, pinsan ni Dianne”

“Sino pong Dianne?”

“Yung naging girlfriend ni Paolo”

“Naging girlfriend? Hiwalay na po sila?”

“Hindi anak, namatay si Dianne. May cancer pala yun, nung nagkakilala pa lang sila ni Paolo.”

“Ho?”

“Oo, mga isang taon nang wala si Dianne. Eto palang si Paolo e nagvolunteer sa isang organization supporting cancer victims. Sabi nung pinsan ni Dianne eh hanggang ngayon wala pa daw girlfriend si Paolo.”

Tuluyan akong nagising sa kwentong iyon ni mama. Nagdaan pala sa ganong pagsubok ang kaibigan ko pero hindi ko man lang nadamayan. Tapos ako, isang tawag lang andiyan agad siya. Feeling ko tuloy napakawalang kwenta kong tao.

“Anak tignan mo yang si Paolo, kahit nawalan, nagpatuloy pa rin sa buhay niya. Sana tumulad ka rin sa kanya. Sana buksan mo na ulit yung puso mo sa mga taong gustong magmahal sa’yo”

Matagal din akong nag-isip at nakapagdesisyon. Nagpalit ako ng damit at kinausap si mama paglabas ko ng kwarto.

“Ahmmm ma, naitanong niyo po ba kung saan nakalibing si Dianne”

“Bakit?”

“Hindi po kasi sinasagot ni Paolo ang tawag ko, malamang po andun siya. Gusto ko po sanang magpasalamat.”

“Ang sabi lang sakin nung pinsan malapit daw sa lugar na nagkakilala sila ni Paolo. Sa may Antipolo yata.”


*******

2 comments:

  1. binasa ko simula part 1 hanggang part 4.

    sana may part 5 na kagad. demanding lang? lol

    galing! :D

    ReplyDelete
  2. Pwede na ulit sila ni Paolo. Haha.

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design