Usapan namin ni BFF/housemate nung Sabado after mag-O.T. na sasamahan niya ako kinabukasan para magcanvass ng respiratory ventilator sa Bambang. Para ito sa tita ko na nabanggit sa post na ito na alam kong malapit na naming mailabas. Siyempre hindi lang naman dun ang pupuntahan namin, alam na...Oo ako na talaga ang mahilig gumala :) Sabi ko sa kanya agapan namin ang punta para masulit namin ang araw. Pero...oo eto na naman ang kontrabidang pero... So ito na nga...Ang umagang usapan ay naging afterlunch kasi napasarap kami sa pagtulog at nanood pa ng koreanovela may nangyari, parang nawalan yata ng tubig..hihihi
Dahil sa Bambang lang naman ang aming gaod at posibleng sa Divisoria ang kasunod ay napagdesisyunan ko na magpambahay na lang. Aktuwali, sweatpants at maayos-ayos na blouse lang ang aking suot na tinernuhan ng paborito kong tsinelas. Spell komportable talaga! Pagdating namin sa Bambang, sakto pagbaba ay andun na ang aming hinahanap. Hindi man lang ako pinagpawisan, pramis! So balik na agad kami ng Recto, para sumakay ng jeep papuntang Divisoria. Nakasakay naman kami kaagad, ang problema lang hindi umaandar yung jeep.May sira yata o talagang mahaba-habang hinatayan ang magaganap, nakatulog na nga yata ako. Maya-maya umimik si BFF at pumunta na lang daw kami ng Trinoma at i-meet ang isa pa naming kabarkada. Napatingin ako sa aking suot at napangiti na lang. Hmmmm sige maiba naman :D
Lakad, lakad, lakad , lakad, lakad at lakad pa ng lakad ang ginawa naming tatlo sa paghananap ng pangdress-up Monday ng aming barkada. Una, naming nahanap ang dress. Dahil pagod na kalalakad ng lakad ng...STOP! Oo na mahaba na talaga nilakad namin. Siyempre nagreklamo na ang aming mga tiyan kaya humanap na kami ng matsitsibugan. Nirequest kong sa Contis kami kumain dahil gusto kong matikman ang Mango Bravo kaya lang pagdating namin dun ay panglima kami sa listahan ng waiting costumers at inabisuhan na kami na baka matatagalan kasi kapapasok pa lang daw ng guest. So, hanap ulit kami ng panibago at dito kami napadpad.
Oo, tama ang hula mo kisame nga yan. Pero wala kami dyan, hindi pa naman kami nagiging butiki. Andyan kami sa baba niyan at nag-eenjoy sa kwentuhan at pagkain.
Si BFF |
Ako kasama si ate dress-up |
Liempo ni BFF, Fish something (nalimutan ko sori) with Rice ni ate dress-up, Neptuna ni Madz
at Calamari na sabay lang sinerve sa main dish (while you wait pala ha!)
Mukhang hindi lang sa pagkain kami gutom na gutom tatlo, pati pala sa tsismisan kasi kailangan pa kaming puntahan ni kuya service crew para itanong kung iseserve na ba niya yung pinakamain event ng pagkain namin dito. Aktuwali may nauna nang nagpasikat sa kabilang table pero siyempre di kami patatalo. Ayan na ayan na...kinakabahan na kami...Gusto mo bang makita??? Owws...talaga? Sigurado ka ha! Tsaaraaaaaan:
Hoo Ha!
Ayus ba??? Hihihi Palakpakan sa munting palabas, sobrang galak ko ay! (probinsiyana strikes again :)) ). Inilayo muna sa aming ang keyk upang i-slice at hindi ko mapigilang mapatingin na naman kay kuya. Ang cute-cute niya talaga ang sarap niya pisil-pisilin. Sabi ko this is it, minsan lang 'to sa buhay mo Madz, GO FOR GOLD! Nag-ipon lang ako ng konting hangin sa tyan lakas ng loob at hiniling kay kuya na piktyuran kami na kasama siya. Paano nangyari yun? Eto oh:
Pwede mag-apply ser? |
Cute na cute kasi ako sa head dress (di ko po alam ang correct term) nila kaya sabi ko kay kuya baka may spare sila na tatlo (demanding ang bata!) at baka pwedeng makahiram pangphoto op.Hehehe Kita mo naman hindi nila kami binigo.
Nang matapos na kami magdessert ay balik na naman kami sa lakad-lakad-lakad. Nahirapan kaming maghanap ng sapatos. Kinunan pa ito ni BFF, kaya lang medyo malabo at isa pa iba yung orientation nung vid baka mahilo ka lang sa panonood. Ano? Kahit na? Gusto mo pa rin makita? Sure ka ha, walang sisihan.
Wala rin namang nabili...
Nagsara na ang mga boutique nang hindi kami nakakabili ng sapatos. Medyo nalungkot ako kay ate dress-up kasi kinabukasan na yun, feeling ko nga mas affected ako sa kanya. Tinanong ko kung anong oras ang pasok niya, sabi niya 10 daw. Sabi ko, umaga? Awts, sad naman. At relaks na relaks niyang sagot "Hindi, 10pm. Kaya nga ako hindi nagmamadali.". WTF! Napacartwheel ako dun ng 4 times.
Bago pa kami tuluyang nakauwi ay humirit pa si ate dress-up kay BFF "pa-Taco Bell ka naman, hindi namin naramdaman yung ITR mo eh!". Sure na, talagang last costumer kami doon at naiyak sa bill sa tuwa si BFF. Pakunswelo ko na lang sa kanya, "Ok lang yan, hindi naman araw-araw. Thanks ha" (insert evil smile). May iniwan nga pala ako doong bakas (sori hindi ko na naman napigilan). Naibigay ko na ang first clue (yung location). Kaya second clue naman: hearts. hihihi Ano kaya yun?
Hindi pa dyan nagtatapos ang aking araw-gabi, Lingo-Lunes activities dahil pag-uwi ay nag-aantay ang dalawa pa naming housemate para sa isang inuman session na sa totoong buhay ay dalawa lang naman talaga ang seryosong uminom. Sabay ng mga tagay, ay nakikiconcert kami sa Eheads with matching wave wave pa ng hands.Ayus na talaga, parang walang pasok bukas. Natapos kami??? Hmmm alas-dos ata yun. Nag-goodbye na ako sa kalahati ng second set nila Ely. Diretso higa na ako sa kama at yun, knock out!
Paggising ko?? %&*^@!$% ANG SAKIT SA ULO!
una ko gad tiningnan ung naka blue.. ikaw pala un heheh... kilala na kita.... kilala na kita... :))
ReplyDelete:mj at me ganito na? nyahahaha...
ReplyDeleteAyos ang weekend oh... from sa divisoria papuntang gala ng gala sa kung saan saan pati food trip nasama na! hehehehehehhehe
ReplyDeleteparang gusto ko yong pasta. yum!
ReplyDeleteempi
Mukha nga masarap yang pasta.. Walang duda, ikaw nga si MADZ! Si Hartlesschiq at Madz ay iisa nga! HAHAH! May picture e. :))
ReplyDeletehehehe..an ganda nung cap.. may baka :)
ReplyDeletegala kung gala! trip ko din yung cap nila. bwahaahha. kyot!
ReplyDeletewow ang saya naman ng ganyan namiss ko tuloy yung bestie ko anyway..ang sarap siguro nung meringue na blinowtorch..hihihi ang cute ng headcap di ba pwede hingin yun?=)
ReplyDelete@istambay - hindi po ako yung nakablue..pakitignan po yung caption..hehehe salamat sa pagdaan :D
ReplyDelete@parekoy - bagong taon na eh kelangan may bagong saplot ang bahay
@xprosaic hehe saya nga eh, ayus talaga pag mga biglaang lakad..mas enjoy!
@empoi - gusto ka rin daw nung pasta XD
@goyo - hindi ko masyadong type yung pasta 5 out 10 siguro..parang maykulang eh... TAWA PA RIN AKO NG TAWA sa isyu na 'to di ako makaget over...oo ako na nga 'to..:))
ReplyDelete@MD hihih cute noh?
@keso oo dapat sulitin ang paglabas... salamt daw sabi nung baka :D
@jaid ummm masarap siya kaya lang ang laki laki naman buti nalang isa lang inorder namin..hihih
Fun kung fun! Buti ka pa! Samantalang ako nahilata lang maghapon. Lumabas pumunta sa mall para magfun-fun kahit papano, pero hindi rin. Ang ending nagsimba ako hehehe.
ReplyDeleteUulitin ko ulit? Nakalimutan ko na eh.
ReplyDeleteSabi ko, wawa yong nanlibre kasi napingas ang kwarta niya ng mga 1500-200 dahil sa kinain ninyo. Masarong ka Madz...ahahahha
@Glentot ok lang yan may ibang araw pa naman :) atleast nakapagsimba ka pa diba?
ReplyDelete@J.Kulisap hihihi sabi ko nga di naman yun araw-araw (insert evil smile).