Naisipan kong kalikutin aking nyelpang (cp) kasi wala akong load magawa at nakita ko na dapat na pala akong magbura ng mga mensahe. Himala na ang laman ng inbox ko ngayon ay 199 lang kumpara dati na umaabot ng 2,000 bago ko maisipang magbura.Naging ugali ko na rin na magbackread ( imagine ang 2k na msgs) muna para malaman kung alin ang matitira at forever nang matutulog sa trash bin.
At habang nagbabackread ay napatigil ako sa text ng isang kaibigan na itago na lang natin sa pangalang Marvin:
Marvin: Mads penge ngang 10 bagay na can make you smile (01-17-2011, 12:31:50pm)
Madz: Para san ba yan? (12:34:07pm)
Marvin: Lagi ka matanong noh? (12:37:40pm)
Madz: Syempre... (12:37:15) --- WTF! Nauna akong magreply??
Marvin: Game, kilala mo ko. Haha. Need ko nang idea. Im running out of time.Haha (12:40:11pm)
Madz: Ahmm question ulet...anu ba yan, yung mga gagawin for me to make me smile o mga bagay na nakikita o ginagawa ko na nagpapangiti sakin? (12:51:23pm)
Marvin: Both. Top Ten. Dali.Hahaha (12:53:41pm)
Madz: Magkasama na o top 10 each categ? (12:52:53)
Marvin: Magkasama na. Baka mahirapan ka sa pagsagot eh. Haha (12:55:07pm)
Madz: haha yabang nito (12:53:51pm)
Marvin: Game (12:55:39)
Madz: Hahahaha para kay kadate ba yan...hmmmm kahit mababaw ha... (12:55:13pm)
Marvin: Hindi eh pero pwede din (01:02:28pm)
Ngayon ko lang napansin na inabot pala ng treinta minutos bago ko nasagot ang tanong niya. Nabigla kasi ako, ngayon lang yata may nagtanong nito. Ano nga ba ang nakakapagpaligaya sa akin? Alin ang nagbibigay kiliti?
Sa aking pagninilay-nilay ito ang mga naging sagot ko sa kanya:
1. Kapag nakikita kong masaya family ko, lalo na yung mga bata tapos ako pa yung reason kung bakit sila masaya;
2. Kapag madali akong nakakasakay ng jeep;
3. Magaganda yung music sa radyo habang naliligo;
4. Kapag hindi mainit or hindi umuulan (yung mahangin lang) masarap kasing maglakad
5. Kapag may nagsisintas ng sapatos ko pag natatanggal (sweet lang);
6. A hug;
7. Pag may bagong nadidiscover na place or idea;
8. A good conversation;
9. Lasagna (yum!) at syempre;
10.Pag may napopost sa blog :D
Satisfied naman si kuya kasi nagpasalamat na siya afterwards at hindi na muling nagparamdam. Joke lang!
Hindi ko alam kuya Marvin kung may napulot ka dito sa mga sagot ko pero ganito lang talaga ako kababaw. Isang nougat nga lang (make it two pala), makukumpleto mo na ang araw ko. Salamat na rin sa nakakashock mong tanong dahil diyan ay may bago na naman akong post. Yipeee!!!
Para po sa mga nagbabasa ng blog ko, kung meron po kayong katanungan o suhestiyon mangyari lamang pong magdrop by sa aking formspring, twitter, fb at ym account. Pwede rin naman kayong magtext kung talagang atat ka na sa sagot. Makakaasa po kayo ng agarang reply katulad ng nasa itaas. XD
sa akin, dito sa office, ang nagpapasaya sa buhay ko ay pag wala ang boss hehehe...
ReplyDeletegandang araw po sa inyo..
Nasaan ang formspring mo? Dali may tanong ako!
ReplyDeleteasteeg. ganun naman talaga, usually kung ano ung pinakasimpleng bagay, yun ang nakakapagpasaya sa atin.
ReplyDeleteitinago mo ba sya sa pangalang marvin o marvin talaga ang pangalan nya?
ReplyDeleteyan sana ang itatanong ko sa formspring. :P
how come nauna ang reply mo bago sa tanong nya? hehehe
ReplyDeletedapat i-txt kita kanina, di ko pala na save yung number mo lol!
ReplyDeletei'm smelling something fishy ~ hahhaha
nice we have some things in common sis..=) pagiisipan ko nga rin to hehehe
ReplyDeleteSi Kikilabotz ba ang kausap mo Ate? Haha. Ang hirap nga sagutin ng tanung na yun, kahit ako napaisip. Haha. Nasan yung formspring mo nga? Haha.
ReplyDeletehi madz!
ReplyDeletehindi ka pala mahirap pangitiin. salamat sa pagdaan sa site ko last time. add na lang kita sa blogroll ko. tenchu and smile a lot!
uyyyy cguro napaka gwapo ng katxt mo kaya napakabilis mong magreply. hahaha
ReplyDeleteGusto lang kita i-congratulate sa matyagang pagtytype ng text message exchanges ninyo... may time stamp pa haha... unless nilipat mo na lahat sa PC yan...
ReplyDeleteOne thing that makes me smile eh kapag may nakikita akong spelling/grammar error sa mga signs sa daan...
kinilig ako sa no. 5. ayieeee. :"> di ko pa naeexperience yan pero parang ang kyut naman non. *patweetums lang.bwahaha!
ReplyDeletegusto ko rin nun.. ung may magsintas ng shoelace ko kapag natanggal, kaso wala naman akong shoe lace ehhhhh.. hihihi
ReplyDeletemas madalas na ung mga simpleng bagay ang siyang nakakapagpangiti sa atin.. ;))
@istambay sipag mo magcomment ha. wala ba boss mo ngayon? hehehe ako naman ok lang kahit andito boss ko, hindi naman kami nagpapansinan.
ReplyDelete@salbehe hahaha ayun sa taas oh! Walanjo kang magtanong. Pero dahil KJ ako ang corny ng sagot ko..hihihi pambasag lang
@parekoy uhuh korek!
@rainbow box di mo ba agad nakita yung fromspring ko?hahaha pwede bang parehong Oo ang sagot sa tanong mo :D
@demonyitogwapo wb sayo :d tagal mong di bumisita. Di ko rin po alam eh..heheh baka mali lang orasan ng cp ko
ReplyDelete@ro anne iniisip ko kung san ko nabasa yang comment na yan.LOL nakowwwww kung anuman po yung naamoy niyo baka sa kabilang bahay yun. :)
@jaid hehehe hirap sagutin noh?
@Yow parang si kikilabotz nga, di ko sure hahaha try mong sagutin baka magulat ka na lang sa sagot mo..hihi andun po yung link sa taas :D
@duking welcome po sa bahay ko :P ayus lang po yun. hindi po yun yung last na pagdaan ko..babalik pa me ha! LOL
ReplyDelete@ayu pramis...sa hirap ba naman sumakay, kahit yata sumabit papatulan ko na, makauwi lang :D
@kikilabotz parang hindi naman, tsaka teka binasa mo ba 'tong post ko? 30mins kaya bago ko nasagot yung tanong ni Marvin.haha
@glentot salamat salamat.nag-konting effort ako jan kahit medyo nakakatamad kunin yung details isa-isa.
madalas ka bang maupo sa may bintana pag sumasakay ng bus??hehe
@Keso oo nakakakilig talaga yan. nung first time na may gumawa niyan sa akin (sa mall pa ito :D ), para umabot hanggang 3rd floor yung buhok ko..hihi
ReplyDelete@Yanah try mo sis bumili malay mo may nag-aantay mag-sintas ng sapatos mo...:P
reply mo sa kanya....at least me nagpapasayasa buhay ko..sayo meron??? hahaha.. ^^
ReplyDeleteMahirap 'yong tanong.
ReplyDeleteBasta ako nakatae sa umaga, simula na ng masayang araw ko.
Mas higit pa sa sampu o limang milyong dahilan kapag naging magaan ang pakiramdam ko sa isang araw. Isama mo na kapag may humalakhak sa kababawan ko.
:)
@Sendo hahah naku meron nang nagpapasaya kay kuya Marvin, hindi na papatok yang ganyang reply. Isip tayo ng iba. :D
ReplyDelete@Jkul Sabagay may point ka jan, mahirap nga kapag hindi mo nailabas ang dapat mong ilabas sa umaga. Baka mamaya kung saan ka pa abutan. :))
ako rin masaya pag me nakkita akong new post sa blog ko hehhe! Blogging makes my day high! hehehe!
ReplyDeletenaks! Sumasaya na ako kapag nginingitian ako...lol... So what makes you blush naman... Lol... parang contest lang... LOL
ReplyDelete@dormboy di ba di ba? iba yung feeling pag may fresh na fresh kang post.
ReplyDelete@xprosaic :D ayan nakangiti ka na ba?LOL Parang pangslumbook yung tanong mo..hahaha
ganda naman ng theme layout mo!
ReplyDeletenice entry! pinakagusto ko ung 10 haha! ^^
i like it.. hehehehehe. Naku ah, ang dami pwede ma store sa phone mo.. Baka mag hang na yan.. Patay :(
ReplyDeleteUyy.hahaha. Baka mamaya masurprise ka, may ibibigay na lang sayo bigla ang taong pangalanan nalang nating Marvin. Lol.
ReplyDeleteAkala ko kung anong kiliti amp. Haha.
@Bon salamat po. nahanap ko lang siya sa google :D
ReplyDelete@tim kaya nga po pag umaabot na nang 1k yung msgs nagsstart na ko magbura..delikado rin eh.. salamat po sa pagdaan :D
@goyo hahaha i doubt it..isyu ka lol napapaghalata ka...