“Goodmorning”
“Bigla na lang ako nakatulog, ang tagal mo kasi”
“Pansin ko nga, ayan oh may mapa na sa unan mo.”
“Kapal mo talaga. Gusto ko yata ng pizza”
“Bawal pa sa’yo yun. Saka na pag nakalabas ka na dito”
“Apat lang naman”
“Yun na nga eh, apat pa gusto mo. Sabagay yun nga pala ang normal sa’yo”
“Ang yabang mo din. Naku kapag pala magkasama na tayo bye bye na sa peyborits?”
“Hindi naman. Sana lang alam mo yung eating in moderation”
“Whatever.”
Salamat? Ano yun? Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa o manlumo sa sagot niya. Uulitin ko pa sana ang pagtatapat ko ng bigla siyang tumayo at magpaalam. Inalok ko siyang ihatid pabalik sa kanyang trabaho pero tumanggi na si Andi.
Ilang araw na ang nakakalipas subalit hindi pa rin siya nagpaparamdam. Naubos na yata ang load ko sa pagtetext at pagtawag subalit napanis lang ako kahihintay sa kanyang sagot. Pinuntahan ko na rin siya sa kanyang trabaho subalit sa tuwing darating ako ay masyado siyang tutok sa trabaho o kaya nama’y palaging nasa banyo. Akala siguro niya ay susuko na ako pero mas lalo pa akong nagpursige sa panunuyo sa kanya.
“Lakas din ng radar mo Xander, pano mo nalaman na nandito ko?”
“Masyado na kasing routine yung ginagawa mong pagtatago sakin Andi, kaya nagcreate ka na ng pattern nang hindi mo napapansin”
“Gumaganon ka pa? Hindi kita pinagtataguan, di ka lang talaga magaling sa pagtiyempo.Salamat nga pala sa mga text at tawag. Medyo busy lang talaga eh. Tsaka huwag ka nga palang magpadala ng bulaklak. Parang flowershop na yung bahay namin. Kamusta?"
“Andi, alam mo bang nagpahula ako?”
“O tapos?”
“Sabi kasi nung manghuhula mamatay daw ako pagdating ko ng 25”
“Sus maniwala ka naman dun, hula nga eh di ba?”
“Hindi naman kasi pumapalya Andi kaya parang naniniwala na ko”
“Bakit may sakit ka ba Xander?”
“Wala. Sabi kasi nung manghuhula yun nga mamatay daw ako ng maagap pero makukuha ko daw lahat ng gusto ko. Parang ngayon nga lang pumalya”
“Paanong pumalya?”
“E kasi, bente singko na ko next year pero yung pinakagusto ko hindi ko pa nakukuha”
“Ano bang pinakagusto mo?”
“Yung mahalin mo ‘ko”
“Ayusin mo buhay mo Xander, di ka nakakatuwa.”
“Inayos ko na Andi. Wala na kami ni Cyril.”
“Ah ok”
“Andi anong ok?”
“E di hiwalay na kayo ni Cyril. The End. Congrats”
“Lupit mo talaga Andi. Next year na yun.”
“Ipakontra mo kaya”
“Alin yung hula?”
“Oo. E mamamatay ka na pala.”
“Pwede ba yun? Patawa ka naman Andi, tsaka bakit bigla kang concerned?”
“Pag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan Xander, nalimutan mo na ba? Naku ewan ko sa’yo, pambihira nakuha mo na nga yung gusto mo ayaw mo pang ipakontra.”
“Ano?”
“Hindi ano, sino”
“Sino?”
“Ako.”
pakipot effect o mahina lang pumikup si kuyang ahahaha... ang tweet aman, nakuha sa tyaga..
ReplyDeleteHaha! Maagang valentines ni xander. :P
ReplyDeleteHappy new year!
hong sweet naman! at least bako siya mamatay, nakuha na niya ung gusto niya. pero malungkot pa rin amf. hayyyyy but nice story pero nalulungkot ako :(
ReplyDeleteang kulit nilang mag-usap. pareho pakipot. lolz
ReplyDeletehaha! landi ni Andi! LOL! landi rin ni Xander. bagay silang maglandian. at ang keso ni Andi ah.. kumain ng cheese. winner!
ReplyDeletenext time si vann lao at ako nanaman ang bida. ang kweno isang prinsipe na nainlove sa isang alila. hahaha. joke peace ^_^
ReplyDeleteValentines day na ba? Hehehe
ReplyDeleteAng aga nman para sa araw ng mga puso.... hehehe.. natawa ko promise!
ReplyDelete