Pages

Wednesday, January 26, 2011

Kiliti

Naisipan  kong kalikutin aking nyelpang (cp) kasi wala akong load magawa at nakita ko na dapat na pala akong magbura ng mga mensahe. Himala na ang laman ng inbox ko ngayon ay 199 lang kumpara dati na umaabot ng 2,000 bago ko maisipang magbura.Naging ugali ko na rin na magbackread ( imagine ang 2k na msgs) muna para malaman kung alin ang matitira at forever nang matutulog sa trash bin.

At habang nagbabackread ay napatigil ako sa text ng isang kaibigan na itago na lang natin sa pangalang Marvin:

Marvin: Mads penge ngang 10 bagay na can make you smile (01-17-2011, 12:31:50pm)

Madz: Para san ba yan? (12:34:07pm)

Marvin: Lagi ka matanong noh? (12:37:40pm)

Madz: Syempre... (12:37:15) --- WTF! Nauna akong magreply??

Marvin: Game, kilala mo ko. Haha. Need ko nang idea. Im running out of time.Haha (12:40:11pm)

Madz: Ahmm question ulet...anu ba yan, yung mga gagawin for me to make me smile o mga bagay na nakikita o ginagawa ko na nagpapangiti sakin? (12:51:23pm)

Marvin: Both. Top Ten. Dali.Hahaha (12:53:41pm)

Madz: Magkasama na o top 10 each categ? (12:52:53)

Marvin: Magkasama na. Baka mahirapan ka sa pagsagot eh. Haha (12:55:07pm)

Madz: haha yabang nito (12:53:51pm)

Marvin: Game (12:55:39)

Madz: Hahahaha para kay kadate ba yan...hmmmm kahit mababaw ha... (12:55:13pm)

Marvin: Hindi eh pero pwede din (01:02:28pm)

Ngayon ko lang napansin na inabot pala ng treinta minutos bago ko nasagot ang tanong niya. Nabigla kasi ako, ngayon lang yata may nagtanong nito. Ano nga ba ang nakakapagpaligaya sa akin? Alin ang nagbibigay kiliti? 

Sa aking pagninilay-nilay ito ang mga naging sagot ko sa kanya:

1. Kapag nakikita kong masaya family ko, lalo na yung mga bata tapos ako pa yung reason kung bakit sila masaya;

2. Kapag madali akong nakakasakay ng jeep;

3. Magaganda yung music sa radyo habang naliligo;

4. Kapag hindi mainit or hindi umuulan (yung mahangin lang) masarap kasing maglakad

5. Kapag may nagsisintas ng sapatos ko pag natatanggal (sweet lang);

6. A hug;

7. Pag may bagong nadidiscover na place or idea;

8. A good conversation;

9. Lasagna (yum!) at syempre;

10.Pag may napopost sa blog :D

Satisfied naman si kuya kasi nagpasalamat na siya afterwards at hindi na muling nagparamdam. Joke lang! 

Hindi ko alam kuya Marvin kung may napulot ka dito sa mga sagot ko pero ganito lang talaga ako kababaw. Isang nougat nga lang (make it two pala), makukumpleto mo na ang araw ko. Salamat na rin sa nakakashock mong tanong dahil diyan ay may bago na naman akong post. Yipeee!!!

Para po sa mga nagbabasa ng blog ko, kung meron po kayong katanungan o suhestiyon mangyari lamang pong magdrop by sa aking formspring, twitter, fb at ym account. Pwede rin naman kayong magtext kung talagang atat ka na sa sagot.  Makakaasa po kayo ng agarang reply katulad ng nasa itaas. XD 

Monday, January 24, 2011

Fun-Filled Sunday-Monday

Usapan namin ni BFF/housemate nung Sabado after mag-O.T. na sasamahan niya ako kinabukasan para magcanvass ng respiratory ventilator sa Bambang. Para ito sa tita ko na nabanggit sa post na ito na alam kong malapit na naming mailabas. Siyempre hindi lang naman dun ang pupuntahan namin, alam na...Oo ako na talaga ang mahilig gumala :) Sabi ko sa kanya agapan namin ang punta para masulit namin ang araw. Pero...oo eto na naman ang kontrabidang pero... So ito na nga...Ang umagang usapan ay naging afterlunch kasi  napasarap kami sa  pagtulog at nanood pa ng koreanovela may nangyari, parang nawalan yata ng tubig..hihihi

Dahil sa Bambang lang naman ang aming gaod at posibleng sa Divisoria ang kasunod ay napagdesisyunan ko na magpambahay na lang. Aktuwali, sweatpants at maayos-ayos na blouse lang ang aking suot na tinernuhan ng paborito kong tsinelas. Spell komportable talaga! Pagdating namin sa Bambang, sakto pagbaba ay andun na ang aming hinahanap. Hindi man lang ako pinagpawisan, pramis! So balik na agad kami ng Recto, para sumakay ng jeep papuntang Divisoria. Nakasakay naman kami kaagad, ang problema lang hindi umaandar yung jeep.May sira yata o talagang mahaba-habang hinatayan ang magaganap, nakatulog na nga yata ako. Maya-maya umimik si BFF at pumunta na lang daw kami ng Trinoma at i-meet ang isa pa naming kabarkada. Napatingin ako sa aking suot at napangiti na lang. Hmmmm sige maiba naman :D

Lakad, lakad, lakad , lakad, lakad at lakad pa ng lakad ang ginawa naming tatlo sa paghananap ng pangdress-up Monday ng aming barkada. Una, naming nahanap ang dress. Dahil pagod na kalalakad ng lakad ng...STOP! Oo na mahaba na talaga nilakad namin. Siyempre nagreklamo na ang aming mga tiyan kaya humanap na kami ng matsitsibugan. Nirequest kong sa Contis kami kumain dahil gusto kong matikman ang Mango Bravo kaya lang pagdating namin dun ay panglima kami sa listahan ng waiting costumers at inabisuhan na kami na baka matatagalan kasi kapapasok pa lang daw ng guest. So, hanap ulit kami ng panibago at dito kami napadpad.



Oo, tama ang hula mo kisame nga yan. Pero wala kami dyan, hindi pa naman kami nagiging butiki. Andyan kami sa baba niyan at nag-eenjoy sa kwentuhan at pagkain.

Si BFF

Ako kasama si ate dress-up



Liempo ni BFF, Fish something (nalimutan ko sori) with Rice ni ate dress-up, Neptuna ni Madz 
at Calamari na sabay lang sinerve sa main dish (while you wait pala ha!)


Mukhang hindi lang sa pagkain kami gutom na gutom tatlo, pati pala sa tsismisan kasi kailangan pa kaming puntahan ni kuya service crew para itanong kung iseserve na ba niya yung pinakamain event ng pagkain namin dito. Aktuwali may nauna nang nagpasikat sa kabilang table pero siyempre di kami patatalo. Ayan na ayan na...kinakabahan na kami...Gusto mo bang makita??? Owws...talaga? Sigurado ka ha! Tsaaraaaaaan:


Hoo Ha!

Ayus ba??? Hihihi Palakpakan sa munting palabas, sobrang galak ko ay! (probinsiyana strikes again :)) ). Inilayo muna sa aming ang keyk upang i-slice at hindi ko mapigilang mapatingin na naman kay kuya. Ang cute-cute niya talaga ang sarap niya pisil-pisilin. Sabi ko this is it, minsan lang 'to sa buhay mo Madz, GO FOR GOLD! Nag-ipon lang ako ng konting hangin sa tyan lakas ng loob at hiniling kay kuya na piktyuran kami na kasama siya. Paano nangyari yun? Eto oh:

Pwede mag-apply ser?

Cute na cute kasi ako sa head dress (di ko po alam ang correct term) nila kaya sabi ko kay kuya baka may spare sila na tatlo (demanding ang bata!) at baka pwedeng makahiram pangphoto op.Hehehe Kita mo naman hindi nila kami binigo.

Nang matapos na kami magdessert ay balik na naman kami sa lakad-lakad-lakad. Nahirapan kaming maghanap ng sapatos. Kinunan pa ito ni BFF, kaya lang medyo malabo at isa pa iba yung orientation nung vid baka mahilo ka lang sa panonood. Ano? Kahit na? Gusto mo pa rin makita? Sure ka ha, walang sisihan.



Wala rin namang nabili...


Nagsara na ang mga boutique nang hindi kami nakakabili ng sapatos. Medyo nalungkot ako kay ate dress-up kasi kinabukasan na yun, feeling ko nga mas affected ako sa kanya. Tinanong ko kung anong oras ang pasok niya, sabi niya 10 daw. Sabi ko, umaga? Awts, sad naman. At relaks na relaks niyang sagot "Hindi, 10pm. Kaya nga ako hindi nagmamadali.". WTF! Napacartwheel ako dun ng 4 times.

Bago pa kami tuluyang nakauwi ay humirit pa si ate dress-up kay BFF "pa-Taco Bell ka naman, hindi namin naramdaman yung ITR mo eh!". Sure na, talagang last costumer kami doon at naiyak sa bill sa tuwa si BFF. Pakunswelo ko na lang sa kanya, "Ok lang yan, hindi naman araw-araw. Thanks ha" (insert evil smile). May iniwan nga pala ako doong bakas (sori hindi ko na naman napigilan). Naibigay ko na ang first clue (yung location). Kaya second clue naman: hearts. hihihi Ano kaya yun?

Hindi pa dyan nagtatapos ang aking araw-gabi, Lingo-Lunes activities dahil pag-uwi ay nag-aantay ang dalawa pa naming housemate para sa isang inuman session na sa totoong buhay ay dalawa lang naman talaga ang seryosong uminom. Sabay ng mga tagay, ay nakikiconcert kami sa Eheads with matching wave wave pa ng hands.Ayus na talaga, parang walang pasok bukas. Natapos kami??? Hmmm alas-dos ata yun. Nag-goodbye na ako sa kalahati ng second set nila Ely. Diretso higa na ako sa kama at yun, knock out!


Paggising ko?? %&*^@!$% ANG SAKIT SA ULO!

Saturday, January 22, 2011

FB Stat (6)


Ang sugat lalong sumasakit 
                  at madalas hindi naghihilom...


                    ...kasi patuloy pa rin natin itong inaalagaan.


*(picture galing sa google)

Urong-Sulong

picture galing sa google

SWEET KASI

     Nung College: 

  -- Pinupuntahan ka pa sa cubicle mo para lang dalhan ka ng  fudgee bar tuwing speech class.
   
  -- Ikaw lang ang pinapansin niya sa klase.

  -- Binigyan ka ng rosas na gawa sa kaha ng sigarilyo.

  -- Sumama siya sa outing ng barkada mo.

  -- Sinabihan ka niyang maganda kahit na bagong gising nung minsan pumunta siya sa bahay mo.


KAYA LANG:

  -- Nagtanong sa'yo kung anong magandang panregalo sa isang babae (na hindi naman ikaw).

  -- Bigla na lang siyang naglaho ng parang bula.


SWEET KASI

    Nung Magkaroon ng Work:

 -- Nahanap ka niya at yung number mo. Nagpatuloy yung communication through text at PM sa Friendster. Nag-PMA pala siya.

 -- Sinabing niyang para sa'yo talaga yung singsing na hindi mo naisoli nung college. 

KAYA LANG:

 -- Nawala ang cellphone mo kasama ng numero niya.

 -- Nag-msg siya sayo na Friendster na icclose na niya ang account niya dun at sa FB na lang. Ang masaklap alam mo naman ang buong pangalan niya, pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin siya makita.



Dear You, 

       Kamusta ka na kaya? Sorry ha bigla lang kita naalala.

                                               
                                                             Love,
                                                             Me



 

Thursday, January 20, 2011

Hanggang Dito na Lang (6) - ENDING

This can’t be her. Ang bilis naman atang sumagot ni Dianne at si Jade pa mismo ang binigay nya. Dahan dahan akong tumayo at humarap kung saan nanggaling yung boses.

“A…anong ginagawa mo dito Jade”

“Hindi ko rin mapaliwanag, maybe it was because of Dianne kaya nandito ako or dahil sakin o pwede ring para sa’yo. Para sa’tin.”

“Sa’tin?”

“Una, gusto kong magpasalamat for taking me home that night. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin nung gabing yun if it weren’t for you. Pangalawa, I’m sorry na hindi man lang kita nadamayan. Masyado akong nafocus kay Carlo na nakalimutan ko na may nag-eexist pang ibang tao. Hindi kita napuntahan noong panahon na kailangan mo nang kaibigan. Sorry talaga. At yung pangatlo.... hindi ko alam kung ito yung lugar para sabihin ko sa’yo.” Napatingin si Jade sa puntod ni Dianne.

“Huwag kang mag-alala maiintindihan niya kung ano man yung sasabihin mo.”

“Mahal naman kita noon eh. Natakot lang ako na mawala ka. Marami lang akong nakita na magkaibigan na naging sila tapos nagkahiwalay at hindi na bumalik sa dati nilang relasyon as friends. Hindi ko kayang i-risk tayo, yung friendship, kaya pinili ko si Carlo. I tried to forget what I feel for you through him. Minahal ko siya but it didn’t work out. Karma nga siguro kasi sinaktan kita.”

“Isipin na lang natin Jade na hindi para sa atin yun kaya nangyari. Na binigyan tayo ng chance para lawakan yung mundong ginagalawan natin at makakilala nang mga taong pwede pala nating mahalin, maging maganda o pangit man ang kahihinatnan. I was hurt. Pero thankful pa rin ako kasi nakilala ko si Dianne at hinding hindi ko pagsisisihan yun.”

“Mahal mo talaga siya no?”

“Si Dianne? Oo. She’s very special to me…
 Parang ikaw, hindi ka naman nawala dito” Sabay turo sa aking puso.

“Paolo…”

“Naiintindihan ko Jade. Handa naman akong mag-intay hanggang kaya na ng puso mong tumanggap nang panibago. Sana lang payagan mo ako na mapalapit muli sa’yo. Yung tulungan kang makabangon.  Para mapatunayan ko na… ”

Nagulat ako ng biglang yumakap si Jade. 

“Paolo mahal din kita.Wala ka nang dapat patunayan. Hindi mo man maramdaman ngayon pero sigurado akong mahal kita.”

Humigpit lalo ang yakap ko kay Jade. Gusto kong masiguro na totoo nga siya,na sa kanya ko talaga narinig na mahal niya rin ako. Matagal ko nang pinapangarap ang pagkakataong ito. 

Maya-maya ay nagpaalam na kami kay Dianne at hawak-kamay na humarap kung ano man ang naghihintay para sa amin. Handa na ako. Alam ko magiging mahirap sa simula pero magiging ok din ang lahat. Sabi ko nga maghihintay ako. Maghihintay na tuluyan niyang tugunan ang pag-ibig ko. Pag dumating ang oras na iyon, ako na yata ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo at sisiguraduhing kong hindi na muling masasaktan si Jade...


...magiging masaya na ang babaeng minamahal ko.

**********


Wednesday, January 19, 2011

Hanggang Dito na Lang (5)

“Ser ok ka lang? Yosi?”

“Hindi ako nagyoyosi miss, salamat na lang.”

“Kung mamamatay ka na ba at ito na ang huling araw mo tapos inalok kita ng yosi susubukan mo?”

“Siguro.”

“E di isipin mo na lang na last day mo na ‘to, tutal naman mukha kang pinagsukluban ng langit. Ako nga pala si Dianne. Six months from now baka hindi mo na rin naman  ako makita.”

“Ha?”

“May taning na ko eh, cancer. Teka ano munang pangalan mo?”

“Miss nagbibiro ka ba o nagbibiro ka?” Nakipagkamay na rin ako kahit medyo naweweirduhan ako sa kanya. “Paolo, miss.”

“Ewan ko ba kung anong naisip ng doctor ko, pinapunta-punta ako dito sa bundok. Kailangan ko daw ng preskong hangin. E kahit saan naman ako pumunta napopollute din gawa nito.” Sabay turo sa aking nang yosing nasa kamay niya.


6months after….

“Psst”

“Hahaha, para kang tanga, kanina ka pa diyan?”

“Oo, gusto mo?” Sabay labas nang cake na nakatago sa likuran ko.

“Birthday ko?”

“Let’s celebrate. Mali yung doc mo. Buhay ka pa at kasama mo pa yung poging boyfriend mo.”

“’Lika nga dito, gusto kitang i-kiss. Hmmmm bango mo naman ngayon parang gusto ko na lang umuwi at papakin ka.”

“Huwag mo kong hamunin, hindi kita uurungan. hahahaha”

“Hmmmm something’s wrong with you”

“Ha? Ano yun?”

“It’s the first time na makita kitang ganyan kasaya. Nagkita kayo ni Jade”

“Bakit mo naman nasabi yan?”

“Wala lang. Malay ko ba.”

“Alam mo kung bakit ako masaya?”

“Sige nga bakit?”

“Kasi kasama pa kita. I love you Dianne.”

“Mas mahal yata kita.”

5 months later…

“Paolo when I’m gone, wag kang malulungkot ok. Pwede kang umiyak kahit isang araw lang pero kinabukasan bumangon ka na ha and be happy.”

“Dianne…”

“Just promise me ok? Alam mo kasi kahit gusto mo pang lumaban, minsan kailangan ring tanggapin na hanggang dun na lang. Na tapos na yung misyon mo sa mundo, misyon mo sa isang tao. And I think my mission with you is done.”

“Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo Dianne?”

“I love you Paolo, lagi mo yang tatandaan. I want you to be happy. I don’t know kung kanino pero kung si Jade man yan…”

“Dianne…”

“Let me finish. Kung si Jade man yan o hindi, huwag kang mag-alala hindi ako magseselos. Ang mahalaga lang eh yung masaya ka pero pag nasaktan ka, kasama rin ako sa masasaktan. Kausapin mo ko kahit wala na ako, maririnig ko yun sa langit. I’ll try to comfort you kahit sa anong paraan na kaya ko. Thank you for making me feel special and loved. Feeling ko pwede na akong mamatay.”

At kinagabihan nga, tuluyan ng nagpahinga si Dianne. Hindi man naging madali sa akin ang pagtanggap sa kanyang pagkawala ay pinagpatuloy ko naman ang aking buhay. Alam ko kasing mas mapapanatag siya kung makikita niyang hindi ako sumusuko. Magkaganun man, tuwing nalulungkot ako o may bagong nangyayari sa akin ay hindi ko siya nalilimutang puntahan. Siya pa rin kasi ang paborito kong kakwentuhan, hindi man siya sumasagot batid kong nakikinig siya. Lalo na ngayon, na nakita ko na ang hinahanap niya. Hinahanap niya para sa akin.

“Hi Dianne, naistorbo ba kita? Nahulaan mo na siguro kung anong sasabihin ko. I saw her. Yung babaeng gusto ko nang makasama.  Pasensiya na Dianne ha, hindi ko rin naman ‘to inaasahan, hindi ko naman akalain na magkikita pa rin kami. I saw Jade. And I must admit she still has the same effects on me. But she’s in pain right now. Gusto ko sana na tulungan siyang makamove on, to ease her pain pero hindi ko alam kung ako ba yung karapat-dapat na gumawa nun. Gusto ko sana kahit magkaibigan lang muna, yung madamayan ko lang siya.”

Napapikit ako. Siguro dahil sa pagkalito at gusto kong maramdaman na nakikinig sa akin si Dianne. Na maaring mabigyan niya ako ng sagot kahit alam kong may pagkaimposible.

“Ano bang gagawin ko Dianne? Pwede bang bigyan mo ako ng sign? Nakakafrustrate kasi na makitang nagkakaganun siya. Paano ko ba siya mapapasaya?”


“Just be with me Paolo, yun lang”


Tuesday, January 18, 2011

Kwebang Lampas Adventure


Sabi nga nila kung gusto mo talaga ang isang bagay, malalampasan mo ang lahat ng mga pagsubok upang ito’y makamtam. Super like ko ang kasabihang ito lalo na at super relate ito sa nangyari sa akin last weekend (kung makasuper naman ako :D).

              PAANO NGA BA AKO NAKARATING DITO?




Ganito kasi yun, dahil inip na inip na ako at walang ginagawa sa trabaho nitong nakaraang linggo (alam ‘to ng mga katweet at kaFB ko), naisip kong bigyan naman ng konting anghang at saya ang nanlalata kong life. Kaya naman nang dumating ang weekend, kasama si opismate ay naglakbay kami sa malayong malayong lugar.

Akala ko talaga hindi na ito matutuloy kasi naman medyo nag-alangan ako sa aking kaperahan. Baka kasi gumastos ako ng malaki dito at maghunger strike ng mga 15 days. Pero sabi ko nga, andito na eh ngayon pa ba ko uurong. So after ng work ay dumiretso agad kami sa aming suking ATM para magwithdraw. Lo and behold, napamulaga ako nang makita kung magkano ang laman ng aking account. God is good talaga hindi ako papabayaang pumayat.

Pagdating sa bahay (nakabyahe na kami nito galing Maynila), napatingin ako sa kalangitan. Napamura ako ng slight sabay nagsorry at pabeautiful eyes na sinabi “Lord, wag naman sanang umulan bukas, magsswimming ho kami”. Ang usapan namin ni opismate para masulit ang adventure na ito kailangan naming gumising ng maaga at makaalis ng 6am. Ang siste napasarap kami pareho dahil malamig ang panahon. Ayun tuloy nakaalis kami sa bahay pasado alas-otso na.

Mukhang maganda ang panahon. Mahangin pero nanunuot na rin sa balat ko ang init. Pag sinuswerte nga naman. Nung nasa terminal na kami, sabi ko kay opismate magbreakfast muna kami tutal naman halos wala pang tao sa jeep. Pagkaorder ay lumingon muli ako sa terminal at biglang kinabahan. May basis nga yung kaba ko kasi isang subo pa lang ng kanin eh umandar na yung jeep. Syemay, bagong jeep mag-aantay kami na mapuno. Pero ang nakakatuwa pagsakay namin, bigla dumagsa yung ibang pasahero. Off we go sa isa pang terminal para mareach ang aming destinasyon.

Pagdating doon mga 30 mins. pa ay umalis na yung jeep. Grabe sa sobrang haba ng binyahe namin napaisip na tuloy ako kung tama ba yung sabi dun sa blog na binasa ko kasi naman hindi ko mahanap yung landmark na sinasabi niya. Yun pala sasakay pa kami ng tricycle bago ko makita yung tore na yun (di ko alam correct term) ng powerplant.

Di pa dun nagtatapos ang aming byahe, dahil after ng tricycle ay mahabang lakaran ang naghihintay para sa amin. Actually may isang option pa naman, ang sumakay ng bangka. Yun nga lang, walang life vest tapos ginto pa yung pamasahe (kamusta naman yun) kaya nagtiyaga kami ni opismate na lumakad sa batuhan at matalahib na daan (wow trekking). Inabot din siguro ng 15-25 mins yung lakad bago namin masilayan ang karatulang “Private Property of Lukang Family No Tresspassing”. Sabi ko eto na yun, eto na yun. Nakita ko na ‘to sa blog na nabasa ko. At pagpasok dun sa loob tanggal lahat ang pagod namin nang makita kung gaano kaganda yung lugar.Pramis hindi ka magsisisi!



Kita naman sa picture kung gaano kami nag-enjoy di ba? Kahit pa sabihing limited lang yung oras ng stay at walang kang panlinis after (salt water lang ang available),plano pa rin namin ni opismate na bumalik dito. Sa sobrang enjoy nga naming dalawa nalimutan naming magpasundo sa tricycle driver, ayun tuloy nadagdagan yung lalakarin namin ng mga 45mins. Wow feeling ko ang daming nabawas sa fats ko.  LOL  Pag-uwi sa bahay, wala na akong masabi dahil after maligo ay himbing na agad ako sa pagtulog. Ako na, ako na talaga ang pagod!

So ano ang relate nito sa first  paragraph? Hindi ko rin alam actually. Joke. Parang pagbblog lang kasi. May mga times na wala akong maisulat, busy busyhan at kung anu-ano pang dahilan para hindi makapagpost pero dahil gusto kong karirin ang pagbblog, napaglalabanan ko ang mga tukso at patuloy na tumitipa sa keyboard para may maiwan na bakas sa bahay ko. Kita mo naman, sa dalawang taon na pagbblog ko eh nakaabot ako sa ika-isang daan na post. San ka pa? Ang sipag ko kaya!










Sunday, January 16, 2011

FB Stat (5)

            Hindi mo naman talaga mapapansin...




             ...lalo na kung sa simula pa lang,  
                             wala ka nang balak tumingin. 

Hanggang Dito na Lang (4)

Ilang beses na akong tumatawag. Lahat na yata ng numero sa keypad ay natry ko na subalit hindi niya sinasagot. Siguro nga napilitan lang siya na ihatid ako. Out of courtesy kumbaga. Kamusta na kaya siya? sila ni Dianne?

Nasaktan ako nung maging sila. Akala ko kasi ako lang ang mamahalin ni Paolo pero hindi pala. Makakakita pa pala siya ng babaeng hihigit sa akin. Kaya naman ibinuhos ko na lang ang lahat ng oras at panahon ko kay Carl. Sinubukan ko siyang mahalin at natutunan ko rin naman agad-agad.

Minsan, kapag napapatitig ako kay Carl napapaisip ako. Paano kaya kung naging kami ni Paolo? Magiging masaya din kaya kami katulad nito o masisira lang ang pagkakaibigan namin dahil pinilit naming magkaroon ng ganitong relasyon. Hindi ko alam kung bahid ba iyon nang panghihinayang o namimiss ko lang siya talaga.

Nagsuklay na ako ng buhok at inayos ang aking sarili. Lumabas ng aking kwarto para maghanap ng makakakain. Nagluto pala si mama ng dinuguan. Kahit paborito ko ang ulam parang wala pa rin akong gana. Alam ko malaki na ang pinagbago ng aking itsura, siguro nga napansin din iyon ni Paolo.

Matapos kumain ay nahiga ako sa sofa at nanood sa TV. Palipat-lipat ako ng channel, bawat commercial ay naghahanap ako ng ibang palabas. Ayokong mabakante, gusto kong maging busy ang aking isip. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

“Jade, anak gising na. Lumipat ka na sa kwarto mo para makatulog ka nang maayos”

“Mamaya na ma, namiss ko yata ‘tong sofa, ang lambot lambot”

“Nga pala yung bisita kanina ni mareng Fe, pinsan ni Dianne”

“Sino pong Dianne?”

“Yung naging girlfriend ni Paolo”

“Naging girlfriend? Hiwalay na po sila?”

“Hindi anak, namatay si Dianne. May cancer pala yun, nung nagkakilala pa lang sila ni Paolo.”

“Ho?”

“Oo, mga isang taon nang wala si Dianne. Eto palang si Paolo e nagvolunteer sa isang organization supporting cancer victims. Sabi nung pinsan ni Dianne eh hanggang ngayon wala pa daw girlfriend si Paolo.”

Tuluyan akong nagising sa kwentong iyon ni mama. Nagdaan pala sa ganong pagsubok ang kaibigan ko pero hindi ko man lang nadamayan. Tapos ako, isang tawag lang andiyan agad siya. Feeling ko tuloy napakawalang kwenta kong tao.

“Anak tignan mo yang si Paolo, kahit nawalan, nagpatuloy pa rin sa buhay niya. Sana tumulad ka rin sa kanya. Sana buksan mo na ulit yung puso mo sa mga taong gustong magmahal sa’yo”

Matagal din akong nag-isip at nakapagdesisyon. Nagpalit ako ng damit at kinausap si mama paglabas ko ng kwarto.

“Ahmmm ma, naitanong niyo po ba kung saan nakalibing si Dianne”

“Bakit?”

“Hindi po kasi sinasagot ni Paolo ang tawag ko, malamang po andun siya. Gusto ko po sanang magpasalamat.”

“Ang sabi lang sakin nung pinsan malapit daw sa lugar na nagkakilala sila ni Paolo. Sa may Antipolo yata.”


*******

Friday, January 14, 2011

Hanggang Dito Na Lang (3)


Ayoko pang umuwi, gusto kong magpakalasing katulad ni Jade. Isa, dalawa, tatlo…lima…walong bote. Nagbabakasakali akong malilimutan ang tagpo kanina subalit  walang epekto ang alak. Para pang nang aasar at paulit ulit na bumabalik ang naging tugon ni Jade.

“Mahal din kita Carl. Sobra”

Matagal ko nang tanggap na si Carl ang nanalo, ngunit ang marinig ito mismo sa bibig ni Jade sa kalagayan niya kanina para akong papel na kinuyumos at itinapon sa basurahan. Akala ko madadaan sa tagal ng panahon ang paglimot sa kanya, hindi ko alam na ang muling pagkikita namin ang magpapatunay na nagkamali ako. Hanggang ngayon si Jade pa rin ang mahal ko.

Habang tinitignan ko ang mga ilaw sa kamaynilaan, parang nakikita ko ang mga mata ni Jade. Ang mga mata niya noong kapiling ko pa siya, maningning at punong-puno ng kulay. Dati, madalas kaming magpunta dito lalo na kapag nasstress kami sa trabaho. Bagamat mas maraming lugar na pwedeng puntahan sa Maynila, dito namin pinipiling mag-unwind. Presko ang hangin, tahimik at kami lang madalas ang tao. Masaya naman kami noon. Noong kuntento pa ako na hanggang dun lang kami.

“Jade, paano kung mahal kita?”
Saglit siyang napatigil ngunit dagli rin pinagpatuloy ang paghagis ng bato sa may bangin.
“Ok na tayo ng ganito Paolo, mas mabuti pang magkaibigan lang tayo”
“Bakit?”
“Magiging kumplikado lang, madaming expectations at demands na eventually magiging cause ng break up.”
“Bakit ba takot kang magtake ng risk?”
“Because I’m too afraid to lose you, that’s why.”

Pagkatapos nang pag-uusap naming iyon, biglang pumasok sa eksena si Carl. Hindi ko alam kung talagang mahal niya ito o isang paraan lang para sabihing hindi talaga kami pwede. Inintindi ko na lang s Jade tutal lumalabas pa rin naman kami kahit hindi na sa Antipolo. Madalas, sumasabit ako sa mga lakad nila dahil gusto kong makilala si Carl para man lang bago ako bumitaw, alam kong hindi siya nito pababayaan.

Unti-unti na akong umiwas kay Jade nang maging sila na ni Carl. Napansin ko kasing medyo seloso ang huli at masayang masaya na ang babaeng pinakamamahal ko sa kanya. Minsang napadaan ako sa lugar namin ni Jade ay nakilala ko ang babaeng di ko inaasahang magmamahal sa akin.

Para akong naalimputangan sa alaala kong iyon. Mabilis kong kinuha ang susi sa aking bulsa at pinaandar ang sasakyan. Alam ko na kung saan ako pupunta. Kung saan mapapanatag ang loob ko. Kay Dianne.

*******
Sa mga nakabasa na nung unang dalawa, eto po yung kasunod pasensya na kung inabot ng ilang buwan bago masundan. Mahina lang talaga ako sa kabana-kabanata. Subukin ko pong matapos ang kwentong ito. Sana maantay niyo pa :D

Sa mga bago lang sa bahay ko, ito po yung sinabi kong naunang dalawa:

Part I 
Part II 

Enjoy!

 

Tuesday, January 11, 2011

FB Stat (4)

May nagtanong sa Kablogs: Ano ang ideal date mo sa Valentine's day?

I answered:

              A dance is all I need on Valentine's Day


        Yung parang kami lang ang tao sa mundo :)

Friday, January 7, 2011

High in the Sky

Noong pumunta ako ng Bohol para maka EB ang tatay ko, medyo kinabahan ako. Hindi dahil sa pagkikita naming iyon kundi yung eroplanong sasakyan ko. Pagkakita ko pa lang sa Eticket na pinadala ni ate, as in, ora mismo search agad ako kay papa google nang ganito : first time experience with Zest Air (hahaha sorry wrong grammar).

At nakuuuuuuuuuu po, wala yata sa mga post na nabasa ko e may magandang experience dito sa Zest. Kinabahan naman ako at mega pray na sana e bago ako matsugi e makita ko muna ang tatay ko at maikwento ko muna sa mundo na sa wakas e nakasakay na ako ng eroplano.

So eto na nga yung araw na lilipad na ako, medyo excited pa ang bata at dumating sa airport 7hrs advanced. hahahaha napanis ako dun at nagutom at the same time. Di na kasi ako nakapagbreakfast at kung anu-ano lang pagkain na ginto ang nakain ko dun sa airport. Pagkakuha ko nung boarding pass, nakalagay 22C..San kaya yun?? Medyo tumataas na excitement nung bata only to find out na dun pala yun sa may bandang likuran ng eroplano at sa may aisle pa. Shocks naman first time ko tapos hindi pa ko nilagay sa may bintana. Makikiusap sana ako dun sa mga katabi ko nang may magsalita na sa mikropono at pakikabit na daw ng seatbelt at mayamaya e lilipad na. Malas ko talaga....Matutulog na sana ako nang mayamaya e napa-WAIT THERE's MORE ako at ito ang naging eksena:




Pagkatapos, napaisip na lang ako. Maybe it was meant to be. Di ko man makita ang mga ulap feeling ko naman nasa langit na ako. Ang landi lang...hahahaha :)

Thursday, January 6, 2011

Shed

Pag may dumaan na sampung jeep na walang sakay aalis na ko.


"hon,san ka na?"
"d2 q sa may shed nina pa,san knb?"
"sorry hon may inutos pa si mama,papunta na rin ako jan"
"cge."


Isa...

Dalawa...

Palagi na lang late si Santi.

Tatlo...

Nakakasawa na.

Apat...

Lima...

Ako naman si tanga kinukunsinti,nasanay tuloy.

Anim...

"hon, im on my way na.30mins."

Katatapos ko lang ubusin ang sandwich na baon ko nang mabasa ang text niya.Sana pala nagdala na rin ako ng mani.

Pito...

Mapapanis na naman ako dito sigurado.

"hon sori ha palaging late.malapit na talaga.luv u"

"k lang,w8 kita.luv u 2"

Walo...

Dalawang jeep na lang,alam ko darating na siya.Sana.

Siyam...

"Babes, wait m q puntahan ko lang si Olive sa may shed. Promise, aayusin ko na 'to. I love you"

....

....

....

....

Sampu...

"wrong send ka Santi"

Dumaan na yung sampung jeep pero parang hindi ako makatayo.


Mamaya na lang siguro,



kapag may dumaan na gold na taxi...



uuwi na ko.






Tuesday, January 4, 2011

Hula (3)

“Goodmorning”
“Bigla na lang ako nakatulog, ang tagal mo kasi”
“Pansin ko nga, ayan oh may mapa na sa unan mo.”
“Kapal mo talaga. Gusto ko yata ng pizza”
“Bawal pa sa’yo yun. Saka na pag nakalabas ka na dito”
“Apat lang naman”
“Yun na nga eh, apat pa gusto mo. Sabagay yun nga pala ang normal sa’yo”
“Ang yabang mo din. Naku kapag pala magkasama na tayo bye bye na sa peyborits?”
“Hindi naman. Sana lang alam mo yung eating in moderation”
“Whatever.”


Salamat? Ano yun? Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa o manlumo sa sagot niya. Uulitin ko pa sana ang pagtatapat ko ng bigla siyang tumayo at magpaalam. Inalok ko siyang ihatid pabalik sa kanyang trabaho pero tumanggi na si Andi.

Ilang araw na ang nakakalipas subalit hindi pa rin siya nagpaparamdam. Naubos na yata ang load ko sa pagtetext at pagtawag subalit napanis lang ako kahihintay sa kanyang sagot. Pinuntahan ko na rin siya sa kanyang trabaho subalit sa tuwing darating ako ay masyado siyang tutok sa trabaho o kaya nama’y palaging nasa banyo. Akala siguro niya ay susuko na ako pero mas lalo pa akong nagpursige sa panunuyo sa kanya.

“Lakas din ng radar mo Xander, pano mo nalaman na nandito ko?”

“Masyado na kasing routine yung ginagawa mong pagtatago sakin Andi, kaya nagcreate ka na ng pattern nang hindi mo napapansin”

“Gumaganon ka pa? Hindi kita pinagtataguan, di ka lang talaga magaling sa pagtiyempo.Salamat nga pala sa mga text at tawag. Medyo busy lang talaga eh. Tsaka huwag ka nga palang magpadala ng bulaklak. Parang flowershop na yung bahay namin. Kamusta?"

“Andi, alam mo bang nagpahula ako?”

“O tapos?”

“Sabi kasi nung manghuhula mamatay daw ako pagdating ko ng 25”

“Sus maniwala ka naman dun, hula nga eh di ba?”

“Hindi naman kasi pumapalya Andi kaya parang naniniwala na ko”

“Bakit may sakit ka ba Xander?”

“Wala. Sabi kasi nung manghuhula yun nga mamatay daw ako ng maagap pero makukuha ko daw lahat ng gusto ko. Parang ngayon nga lang pumalya”

“Paanong pumalya?”

“E kasi, bente singko na ko next year pero yung pinakagusto ko hindi ko pa nakukuha”

“Ano bang pinakagusto mo?”

“Yung mahalin mo ‘ko”

“Ayusin mo buhay mo Xander, di ka nakakatuwa.”

“Inayos ko na Andi. Wala na kami ni Cyril.”

 “Ah ok”

“Andi anong ok?”

“E di hiwalay na kayo ni Cyril. The End. Congrats”

“Lupit mo talaga Andi. Next year na yun.”

“Ipakontra mo kaya”

“Alin yung hula?” 

“Oo. E mamamatay ka na pala.”

“Pwede ba yun? Patawa ka naman Andi, tsaka bakit bigla kang concerned?”

“Pag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan Xander, nalimutan mo na ba? Naku ewan ko sa’yo, pambihira nakuha mo na nga yung gusto mo ayaw mo pang ipakontra.”

“Ano?”

“Hindi ano, sino”

“Sino?”

“Ako.”


 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design